Gabi ng Lagim directors ibinandera na; Celeste sexy assassin

3 direktor ng ‘Gabi ng Lagim’ ibinandera na; Celeste sexy assassin

Ervin Santiago |April 07,2024
facebook
share this

3 direktor ng ‘Gabi ng Lagim’ ibinandera na; Celeste sexy assassin

Ervin Santiago - April 07, 2024 - 07:42 AM

3 direktor ng 'Gabi ng Lagim' ibinandera na; Celeste sexy assassin

Celeste Cortesi at Jessica Soho

IPINAKILALA na ang mga direktor na bubuo sa inaabangang “KMJS Gabi ng Lagim: The Movie”.

Sila ay sina King Mark Baco, Jerrold Tarog at Dodo Dayao. Makakasama nila ang writer na si Anton Santamaria na humarap sa producers ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na siyang nasa likod ng nasabing Kapuso movie.

Ang “KMJS Gabi ng Lagim: The Movie” ay isang spin-off ng patok na patok na segment na “Gabi ng Lagim” mula sa top-rating at multi-awarded show na “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Baka Bet Mo: ‘KMJS’ naglabas ng pahayag kaugnay sa ‘nakawan ng photocards’, nakiusap na tantanan ang pamilya ni ‘Bea’

Noong February ay nagkaroon ng special announcement ang “KMJS” team sa kanilang Facebook page na umeengganyo sa netizens na i-share ang kanilang mga pinaka nakakakilabot na true-to-life horror stories.

Tatlong winning entries ang mapipili at mananalo ng P20,000 each.

Ngayon pa lang ay abangers na ang mga Pinoy na mahilig sa kuwentong kababalaghan sa pananakot ng “KMJS Gabi ng Lagim: The Movie”.

Ang next na pasabog ng GMA ay ang mga bibidang Kapuso stars sa kauna-unahang “Gabi ng Lagim” movie.

* * *

Pinainit ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang set ng GMA action-comedy series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa kanyang bagong role bilang isang sexy assassin na si Diamond Ricci.

Sa latest episode ng series, si Diamond ang pinakabagong addition sa listahan ng mga most wanted ni Police Major Tolome (Sen. Bong Revilla), matapos siyang magtangka sa buhay ng isang Commissioner habang nasa isang beauty pageant.

Buong tapang namang hinabol ni Tolome si Diamond at sila ay nagtapat sa isang action-packed na labanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CELESTE CORTESI 🦋 (@celeste_cortesi)


Dito ipinakita ni Celeste ang kanyang katakot-takot na knife skills ngunit hindi pa rin umubra sa bagsik ni Tolome.

Baka Bet Mo: KMJS sa ‘Killua’ episode: ‘Walang puwang ang animal cruelty sa lipunan!’

Bago ito, matatandaang na-meet na ni Tolome si Diamond sa birthday celebration ni Bunso (Jeffrey Tam) kung saan nagpanggap na isang sexy dancer si Diamond para mapalapit kay Tolome.

Ngayong nasa kustodiya na nina Tolome si Diamond, ano kaya ang makukuha nilang mga sagot mula sa assassin na ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mga pasabog na revelations na ito and more sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”, tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending