KMJS Gabi ng Lagim gagawing movie, 3 mapipiling horror stories may premyo
MALAYO pa ang Halloween pero may bonggang surprise na ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) team para sa kanilang mga loyal viewers.
In-announce ng highest-rating show ng GMA 7 sa kanilang Facebook account ang first-ever “Gabi ng Lagim The Movie.”
Ang true-to-life horror story mo, pwede na ngang maging isang pelikula! At ipo-produce pa ito ng award-winning teams ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.
Baka Bet Mo: Alessandra hindi nahirapang gumanap na nanay sa MMFF entry na ‘Firefly’, humugot sa mga alagang bird
Sila lang naman ang nasa likod ng Metro Manila Film Festival 2024 at 1st Manila International Film Festival Best Picture awardee na “Firefly.”
Ang top 3 entries na mapipili ay makakatanggap ng cash prize na P20,000 each.
Ongoing na rin ang submission mula February 2 hanggang February 29 para sa mga nais magbahagi ng kanilang horror stories at bukas ito sa mga Filipino residents, 18 years old and above.
* * *
Lumiwanag ang gabi para sa “Firefly” team sa awarding ng Manila International Film Festival (MIFF) sa Hollywood, California, matapos humakot ng four major awards ang pelikula mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Kabilang sa mga napanalunang award ng “Firefly” ang Best Picture at Best Screenplay award na napanalunan rin nila noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
View this post on Instagram
Dagdag pa sa listahan ng kanilang nauwing awards ang Best Director na nakuha ni Direk Zig Dulay, at Best Supporting Actress na nakuha naman ni Alessandra de Rossi.
Bukod dito, nominado rin ang “Firefly” para sa Best Supporting Actor para kay Epy Quizon, Best Supporting Actress para kay Cherry Pie Picache, at Best Cinematography para kay award-winning cinematographer Neil Daza.
Kasabay ng hakot award na ito ang patuloy na pagtangkilik at pagsuporta ng mga manonood hindi lang sa Pilipinas, kundi pati rin sa ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.