Vice Ganda bet mag-guest sa isang show sa GMA 7, lalabas kaya sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'? | Bandera

Vice Ganda bet mag-guest sa isang show sa GMA 7, lalabas kaya sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’?

Therese Arceo |June 29,2023
facebook
share this

Vice Ganda bet mag-guest sa isang show sa GMA 7, lalabas kaya sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’?

Therese Arceo - June 29, 2023 - 04:32 PM

Vice Ganda bet mag-guest sa isang show sa GMA 7, lalabas kaya sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'?
PALAISIPAN ngayon sa madlang netizens kung anong Kapuso show nga ba ang tinutukoy ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na gusto niyang bisitahin.

Sa kanyang latest vlog kung saan sinagot niya ang mga katanungan hinggil sa mga nagaganap sa “It’s Showtime” at sa paglipat nito sa bagong tahanan sa GTV, nabanggit nitong nais niyang mag-guest sa isang Kapuso program.

Paglalahad ni Vice, “Sabi ko [kay] Tita Cory [Vidanes], ‘Meron lang akong request. Since maggi-guest tayo sa mga GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito?’

Gusto ko lang lumabas sa programang ito. Kung uubra lang. Gusto ko lang mag-guest sa programang ito.”

Nangako naman daw si Tita Cory kay Vice na sasabihin ito sa mga boss at titignan kung magagawan ito ng paraan.

“Let’s see. Gusto ko lang talaga mag-guest sa show na yun,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Vice Ganda: ‘Ang GMA ay Pilipinong-Pilipino na parang mga kapitbahay at handang mag-alay ng bayanihan’

Wish rin ng “It’s Showtime” host na sana ay matupad ang kanyang hiling dahil paniguradong marami ang mag-aabang sakaling maisakatuparan ito.

“Sana matuloy, at feeling ko ang daming ang nag-aabang nun. Feeling ko, ang daming excited. Ang dami ring mga umiikot ang puwet at curious kung puwede kayang mag-guest dun?” sey ni Vice.

Dagdag pa niya, “I-invite kaya siya dun? What if kung mag-meet sila? Ni-request ko yun sa management. Kung mapagbibigyan, ang ganda! Kaya abangan nating lahat.”

Marami naman sa netizens na naghinuhang baka ang tinutukoy ni Vice ay ang “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ay mukhang mahirap itong matupad at kung sakali mang mangyari ay paniguradong isang malaking surprise sa mga manonood.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Jessica at Vice matapos ang naging kontrobersyal rape joke ng huli sa kanyang concert na ginanap sa Araneta Coliseum noong 2013.

Related Chika:
Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda sa bangayan ng TVJ at TAPE: Parang tayo ‘yung casualty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending