Jane naiyak nang mag-resign sa Darna si Direk Jerrold; aprub kay Janine bilang Valentina
“AKALA nila iiyak ako,” ang bahagi ng pahayag ng Kapamilya actress na si Jane de Leon patungkol sa pagkansela noon ng pagbibidahan niyang remake ng “Darna”.
Ayon sa dalaga, kinausap siya ng mga bossing ng ABS-CBN at Star Cinema para sabihing baka hindi na matuloy ang pagsasapelikula ng bagong version ng “Darna” dahil sa mga pinagdaraanang pagsubok ng network.
“Nu’ng nag-Zoom meeting kami nina Inang (Olivia Lamasan), ni Ma’am Charo (Santos-Concio), tita Cory (Vidanes), and tita Malou (Santos), and parang nasabi ko may nararamdaman ako dito, ah.
“And yun yung kasagsagan pa lang na mawawala yung franchise ng ABS-CBN. And sinabi nga nila na baka hindi na nga matuloy yung movie if ever, hindi pa naman sure. Actually, hindi nila alam kung paano nila sasabihin sa akin, eh.
“Pero nu’ng time na yun sobrang positive lang ako and sinabi ko sa kanila na, ‘Sige po. Okay lang naman sa akin. May mga araw naman yata na bibigyan tayo ng blessings ni Lord.
“Hindi natin alam baka bumalik ulit ang ABS-CBN and sobrang nagulat sila kasi akala nila iiyak ako. Pero nu’ng buong time na nasa Zoom meeting kami naka-smile lang talaga ako and sinabi ko na huwag kami mawawalan ng pag-asa kahit din sa proyekto na binigay sa akin, hindi ako nawalan ng pag-asa,” ang pahayag ni Jane sa virtual mediacon para sa pagpasok niya sa seryeng “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
Sey ng aktres, sobrang saya niya nang magkaroon ng announcement ang ABS-CBN na tuloy pa rin ang “Darna” but this time, gagawin na itong TV series.
“I’m really happy at least natuloy. Siyempre may mga fans din ng Darna na nag-aabang pa din dito, lalo na yung mga bata.
“Yun yung iniisip ko talaga kaya sobrang excited ako na i-share yun sa kanila at ipalabas yung magiging bagong Darna na modern naman.
“Ngayon wini-work out na yun ng management (casting) pero siyempre for now bawal ko pa sabihin abangan na lang nating lahat. Hindi ko pa talaga alam kung sino pero may mga naririnig ako,” lahad pa ng bagong Darna.
Pero inamin ni Jane na naiyak siya nang malamang hindi na si Jerrold Tarog ang magdidirek ng “Darna.”
“Sobrang love na love na love ko yan si direk Jerrold. I cried talaga and I really do understand kasi di ba, dapat May na yung showing ng movie ng Darna, if ever May 21.
“Pero kasi ngayon meron nang nakalaan na proyekto after Darna and ito yung oras na yun for him to do that movie. Yes, kailangan ko siya suportahan. Pero iba si direk Jerrold.
“Direk, alam mong mahal na mahal kita. Direk Jerrold sobrang mahal na mahal talaga kita and yung suporta na binibigay niya sa akin and yung tiwala, kasi lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Direk, bakit ba ako yung pinili mo?’
“Lagi kong sinsabi sa kanya yun eh. Ano bang meron sa akin? And lagi niya sa akin sinasabi, ‘Basta pagkatiwalaan mo ako sa desisyon ko, sa desisyon ng management.’ He’s like my brother.
“I can share everything sa kanya, mapa personal na buhay yan, trabaho, and sobrang thankful ako kay Lord na nakilala ko si direk Jerrold. Napakabait na director,” papuri pa ni Jane kay Direk Jerrold.
Natuwa naman ang fans ni Jane na matutuloy na rin sa wakas ang muling paglipad ng iconic Pinay superhero sa TV.
Samantala, natanong din siya tungkol sa posibilidad na maging kontrabida niya ang bagong-lipat na Kapamilya star na si Janine Gutierrez bilang Valentina, ang babaeng ahas.
“Ako, I’m really happy if ever namakakatrabaho ko siya. Kasi sobrang open naman ako kung sino ang puwedeng Valentina and it’s a big opportunity for her, lalo na kapag nandito siya sa ABS-CBN sobrang maaalagaan siya at lalong mahahasa talaga ang acting niya,” sagot ni Jane.
Pero sa ngayon, tutukan muna ang dalaga sa maaaksyong tagpo sa “Probinsyano” na magsisilbi ring training ground niya bilang paghahanda sa “Darna.” Gumaganap siya sa serye bilang si Natalia Mante, na member ng Black Ops unit.
Produced by Dreamscape Entertainment, napapanood ang “FPJ’s Ang Probinsyano” via free and digital TV (A2Z Channel 11), cable (Kapamilya Channel), on-demand streaming (iWant TFC), at free live streaming (Kapamilya Online Live).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.