Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy? | Bandera

Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?

Ervin Santiago |August 26,2021
facebook
share this

Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?

Ervin Santiago - August 26, 2021 - 08:54 AM

Mavy Legaspi, Carmina Villaroel at Cassy Legaspi

WALANG pagkontra si Carmina Villarroel sa mga chika tungkol sa kakaibang closeness ng kanyang kambal na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi kina Darren Espanto at Kyline Alcantara.

Sa pagkakaalam ng Kapuso actress-TV host, single pa rin ang dalawa niyang anak pero knows niya na talagang espesyal ang friendship ni Cassy kay Darren at ganu’n din si Mavy sa ka-loveteam nito ngayong si Kyline.

Sa kanyang latest YouTube vlog, nagsalita na si Carmina tungkol sa lovelife ng super twins nila ni Zoren Legaspi na 20 years old na nga ngayon at nasa legal age na para magkaroon ng dyowa.

Sa simulang bahagi ng video, nagpasalamat si Carmina sa lahat ng fans ng tambalang Cassy at Darren (CassRen). Aniya, kahit daw walang projects ang dalawang bagets at nasa magkaibang network pa ay nakabuo pa rin ng grupo ng nga tagasuporta.

“Hindi naman po sila magka-loveteam, pero meron kasing CassRen. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tagasuporta ni Cassy ‘tsaka ni Darren kahit na wala silang something together,” chika ni Mina.

Wala rin siyang masasabi sa kabaitan at pagiging magalang na bata ni Darren kaya okay lang sa kanya kung ma-link ang binata kay Cassy.

“Wala akong masasabi kay Darren. Darren is a good boy. Every time we would see each other na hindi naman po madalas, kasi bawal naman.

“Pero yung mga few times na magkikita kami before sa work, very magalang, very respectful siya. He’s a very talented person, great singer. Magaling din sumayaw,” pahayag ng misis ni Zoren.

“And even before this, kasi magkaibigan din sila, not only Cassy but also din si Mavy. So, group of friends sila, e, so, okay ako, wala naman akong problema,” dagdag pa niyang chika.

At tungkol naman sa umano’y pagkakamabutihan nina Mavy at Kyline, hindi rin daw siya kokontra sa dalaga sakaling may “something” na sa pagitan ng dalawang Kapuso youngstars.

“I’ve worked with Kyline. Kilala ko si Kyline. Okay lang naman ako. Tsaka even before silang magka-love team ni Mavy, magkaibigan kasi sila.

“So, mas kampante ako, mas at ease ako. Alam ko yung anak ko very comfortable sa ka-love team niya because they’re really good friends. So, I’m okay with their love team,” pahayag pa ni Carmina. 

Nagkasama sina Mina at Kyline sa 2017 Kapuso primetime series na “Kambal, Karibal” at magkasama naman ngayon sina Mavy at Kyline sa upcoming teleserye ng GMA na “I Left My Heart in Sorsogon” na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.

Nauna nang nilinaw ni Cassy na single pa rin siya until now. Pwede naman daw siyang magpaligaw pero feeling niya hindi pa rin siya pwedeng magka-boyfriend at mas gusto raw niyang mag-focus muna sa trabaho at pag-aaral.

Samantala, diretsahang sinabi ni Carmina na parang hindi pa raw siya handa na makitang may dyowa ang kambal na anak.

“Parang wala yatang nanay ang magiging ready. But, no, kidding aside, 20 years old na yung kambal.

“Siyempre, pinagdaanan ko rin ‘yan, di ba? Nanggaling din ako sa ganyan. Siyempre, kung puwede ko lang sabihin, ‘Sana ‘wag muna. Sana ‘wag muna,’ pero I trust my kids.

“Bahala sila kung sa tingin nila kaya na nila. Kung sa tingin nila yun ang priority nila, then I will support them. Like I said, I trust them,” lahad pa ni Carmina.

Dagdag pang pahayag ng celebrity mom, “Sa tingin ko naman ngayon, they’re very focused on their respective careers, kaya hindi muna nila masyadong ine-entertain ang kanilang love life. Yun ang pagkakaalam ko.”

“Of course, kung meron silang crush, meron silang admiration, fine. E, normal lang yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At least gawin lang nilang motivation or inspiration nila ‘yon sa kanilang trabaho. Kung medyo maging serious… hinga na lang ako nang malalim,” ang chika pa no Carmina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending