Dasuri Choi sinagot na ang akusasyong third party

Dasuri Choi sinagot na ang akusasyong third party sa Mavy-Kyline breakup

Pauline del Rosario |February 26,2024
facebook
share this

Dasuri Choi sinagot na ang akusasyong third party sa Mavy-Kyline breakup

Pauline del Rosario - February 26, 2024 - 03:49 PM

Dasuri Choi sinagot na ang akusasyong third party sa Mavy-Kyline breakup

Dasuri Choi, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara

NAGSALITA na ang Philippine-based Korean dancer-entertainer na si Dasuri Choi matapos madamay sa relasyon umano nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Bagamat wala pang kumpirmasyon ang “rumored couple” ay naging usap-usapan sa social media na hiwalay na ang dalawa.

Ayon pa nga sa maraming netizens, tila may kinalaman ang “Eat Bulaga” co-host ni Mavy na si Dasuri sa nangyari sa kanila ni Kyline.

Sa latest YouTube vlog ng Korean star, opisyal na niyang pinabulaanan ang mga kumakalat na “fake news” patungkol sa kanyang pagiging third party.

Ito ay matapos niyang sagutin ang ilang hate comments na pinapauwi siya sa South Korea dahil isa raw siyang “homewrecker.”

Baka Bet Mo: Mavy Legaspi ‘di raw kinaya ang pagiging selosa ni Kyline Alcantara?

“I think they’re talking about the issue late last year,” sey ni Dasuri.

Anunsyo niya, “So I’m officially saying I’m not the third party.”

“I will never try to be a third party in my life because I didn’t grow up like that. I was raised by my parents na super, super, super bait. Wala talagang mangyayari sa akin na maging third party, okay?” paliwanag pa niya sa publiko.

Kasunod niyan ay ikinuwento na nga niya ang pinag-ugatan ng isyu.

Ito ‘yung viral photo na kasama niya ang kambal na sina Mavy at Cassy, pati na rin si Michael Sager sa isang restaurant.

Ang chismis kasi noon, nahuling nagkaroon ng double date ang apat.

Pero paglilinaw ni Dasuri, ginawan lang sila ng isyu dahil pinutol ang litrato kung saan kasama nila ang lahat ng host ng noontime show ng GMA na “Tahanang Pinakamasaya.”

Sinabi rin niya na kaya nandoon silang lahat ay dahil nagbukas ng bagong restaurant ang executive producer ng show.

“Someone shot for us because that was the soft opening ng restaurant ng ‘Tahanang Pinakamasaya’s’ executive producer,” sambit niya.

Kwento pa niya, “So we went there not only the four of us (me, Mavy, Cassy and Michael), but including Kuya Pao, Winwyn, Arra, Yasser, lahat ng hosts.”

“Hindi ko alam bakit ‘yun lang ‘yung na-cut ng account owner na ‘yan,” pagtataka pa niya.

Patuloy ni Dasuri, “We were together the four of us and then [nasa tabi ko] ‘yung mga iba[ng hosts] because we were late. Hindi ko alam na maging big talaga ‘yung deal na ‘yun. So I didn’t react at first. Pero naging big pala ‘yung isyu na ‘yun kasi ako raw ‘yung third party, parang may double date pa raw ako.”

“Why would I do that? Close kaming lahat eh. Parang you will never think na, ‘Hala, baka ma-chismis, ganyan ganyan.’ It’s nothing talaga kaya wala akong pake,” dagdag ni Dasuri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa niya, “Basta I’m doing right and hindi ako nahihiya sa friends and family ko.”

Sa huli ay ipinakita ng Korean entertainer ang pruweba na magkakasama silang lahat ng host ng “Tahanang Pinakamasaya” sa iisang table.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending