Payo ni Carmina kay Mavy sa pakikipagrelasyon: Take your time

Payo ni Carmina kay Mavy sa pakikipagrelasyon: Take your time, enjoy life

Ervin Santiago |January 30,2024
facebook
share this

Payo ni Carmina kay Mavy sa pakikipagrelasyon: Take your time, enjoy life

Ervin Santiago - January 30, 2024 - 08:57 AM

Payo ni Carmina kay Mavy sa pakikipagrelasyon: Take your time, enjoy life

Mavy Legaspi, Carmina Villarroel, Cassy Legaspi at Zoren Legaspi

PINAYUHAN ni Carmina Villarroel ang  kanyang anak na si Mavy Legaspi na maghinay-hinay muna pagdating sa lovelife.

Wala pang diretsahang kumpirmasyon mula kay Mavy ang balitang hiwalay na sila ni Kyline Alcantara pero sa itinatakbo ng kuwento about them, mukhang tuluyan na ngang nawasak ang kanilang relasyon.

Ayon kay Carmina, mas okay daw kung pagtutuunan muna ng pansin ni Mavy ang kanyang showbiz career lalo pa’t napakaraming opportunies ang dumarating ngayon sa buhay ng binata.

Sa bagong vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na may titulong, “Sa nanakit sa anak ni Carmina Villarroel…” nagbigay nga si Carmina ng advice kay Mavy.

Baka Bet Mo: Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?

Aniya, mag-focus muna siya uli sa kanyang sarili bago pumasok sa panibagong relasyon.

“Just take your time. Enjoy your life, especially ngayon na ang daming trabaho, ang dami mong blessings, so mag-focus ka muna diyan,” paalala ni Mina sa anak nila ni Zoren Legaspi.

“Actually, hindi ko na kailangan sabihin. Nakikita ko talaga ine-enjoy niya ‘yung buhay niya ngayon,” dagdag pa ng TV host-actress.

Natanong din ni Ogie si Carmina sa akusasyon sa kanya ng mga bashers na  isa raw siyang “pakialamera” ina lalo na pagdating sa lovelife ng kambal niyang anak na sina Mavy at Cassy.

“Hindi ako nakikialam, inaalam ko, because we are very open.

“I really don’t want to use pakialamera or nakikialam kami, hindi talaga, eh. We’re just present, very present kami sa buhay ng mga anak ko,” mariing sabi ni Carmina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Naging kontrobersyal din ang birthday message ni Carmina para kay Cassy at kay Mavy noong kasagsagan ng isyu ng hiwalayan ng binata at ni Kyline.

“I’m trying to be careful kasi baka lagyan ng ibig sabihin ang mga sasabihin ko. I don’t want to overthink.

Baka Bet Mo: Mavy proud mama’s boy: To the day that I would die, I would be loyal to my mother, I will protect her with my whole heart!

“Tatay and I are just happy that you’re back. You know that I’ve been quiet for the past…how many years? Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nakikialam ako. But I don’t care because I am your mother.”

“Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So, it only means na hindi ako nakialam. So that’s why I’m so thankful because that you’re back.

“And I want you to know, the two of you, that I would do everything and anything para sa inyong dalawa. Hindi ko lang kayang pumatay! But I would really defend you sa abot ng makakaya ko,” sabi pa ni Mina habang lumuluha.

“I love you so much and tandaan n’yo lang na nandito kami ni Tatay para sa inyo. We always want what is best for you, guys. Hindi kami mga kontrabida ng buhay n’yo, kakampi n’yo kami,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Carmina, “People can destroy your image, damage your personality, create rumors about you, but they can never take away your good deeds.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending