Angelica Panganiban ibinandera ang pa-lechon ni Maja Salvador

Angelica ibinandera ang pa-lechon ni Maja, tip niya: ‘Kaibiganin niyo siya!’

Pauline del Rosario |December 14,2023
facebook
share this

Angelica ibinandera ang pa-lechon ni Maja, tip niya: ‘Kaibiganin niyo siya!’

Pauline del Rosario - December 14, 2023 - 03:55 PM

Angelica ibinandera ang pa-lechon ni Maja, tip niya: ‘Kaibiganin niyo siya!’

Angelica Panganiban, Maja Salvador

MARAMI ang tila biglang nagutom at nag-crave sa recent Instagram Story ng aktres at celebrity mom na si Angelica Panganiban.

Sino ba naman kasi ang hindi matatakam kung lechon ang ibabandera mo sa social media.

‘Yan ang proud na plinex ni Angelica matapos siyang regaluhan nito ng kanyang kaibigan na si Maja Salvador.

Isang buong lechon ang ipinadala ni Maja, kaya naman si Angelica naloloka kung paano raw niya ito mauubos.

“Hindi ko rin alam paano uubusin ‘to guys,” sey niya sa caption ng IG Story.

Pabirong tip pa niya, “Kaibiganin niyo si @maja [smiling face with tear emoji].”

“Ikaw ang buntis pero ikaw ang maalaga [heart hands emoji] lab you!” ani pa niya matapos magpasalamat sa kaibigan.

Baka Bet Mo: Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasunod niyan ay ipinakita rin ni Angelica ang kanyang selfie video kung saan makikitang sinimulan na niyang kainin ang lechon.

Maririnig pa nga sa post kung gaano kalutong ito at ang tanging sinabi nalang ng aktres, “Jusko, jusko!”

Magugunita nitong buwan lamang ng inanunsyo ni Maja sa social media na magkaka-baby na sila ng kanyang mister na si Rambo Nuñez.

“Christmas came early,” caption ni Maja sa kanyang IG post.

Makikita sa posted video na super happy at excited ang mag-asawa sa kanilang paparating na first baby.

Ipinasilip rin nina Maja at Rambo ang sonogram ng kanilang newest blessing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, taong 2019 nang maging mag-dyowa ulit sina Maja at Rambo makalipas ang siyam na taong hiwalay.

Noong nakaraang taon naman nang ma-engage silang dalawa at nitong Hulyo lamang ay ikinasal sila sa Bali, Indonesia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending