Angelica tinamaan ng sakit na kailangan ng joint replacement surgery: ‘Hindi na ako makalakad, sobra akong in pain…iyak ako nang iyak’
SA SOBRANG sakit na nararamdaman dahil sa kanyang karamdaman ay napapaiyak na lang si Angelica Panganiban.
Nagkaroon ng bone condition ang Kapamilya actress at celebrity mom na tinatawag na avascular necrosis na nagsimula raw noong nakaraang taon.
Sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube, naikuwento ni Angelica ang tungkol sa kanyang health condition na nag-start niyang maramdaman noong 2022 nang siya’y magdalang-tao.
“May mga iniinda akong sakit sa hips. Well, nagsimula ‘to nu’ng nabuntis ako. Siguro mga six months into pregnancy, mayroon na akong mga nararamdamang sakit on my hips,” ang bahagi ng pahayag ng aktres.
Nu’ng una ay hindi raw talaga niya malaman kung saan nagmumula ang matinding sakit na nararamdaman niya pero parang galing ito sa kanyang balakang, hita at likuran.
Inakala niyang bahagi lamang ito ng kanyang pagbubuntis ngunit mas lalo niyang nararamdaman ang sakit habang tumatagal. Hindi pa rin ito nawala kahit na nakapanganak na siya.
Nadagdagan pa raw ang pagkirot ng kanyang likuran nang magsimula na silang mag-workout uli ng kanyang fiancé na si Gregg Homan tulad ng yoga at pagtakbo.
Baka Bet Mo: Jolina nasusungitan ang pamilya dahil sa anxiety: Pakiramdam ko balewala lahat ng efforts ko
Umabot pa nga raw ito sa puntong hindi na siya makatayo at makalakad dahil sa matinding sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan.
Kasunod nito, nagpa-ultrasound na raw siya, hanggang sa, “May nakita silang liquid doon sa bandang singit ko, so na-advise ako na magtherapy because hindi ko inoption ang pag-inom ng gamot dahil I’m breastfeeding.”
Agad daw siyang sumailalim sa therapy sa loob ng dalawang buwan at in fairness, medyo nakaramdam naman siya ng ginhawa ngunit makalipas ang isang linggo, bumalik daw ang sakit.
View this post on Instagram
“Nagkaroon ng isang time na hindi na ako makalakad again, sobra akong in pain. Iyak ako nang iyak,” aniya pa.
Bumalik sa ospital ang aktres at dito na nga niya nalaman mula sa doktor base sa naging resulta ng kanyang MRI (magnetic resonance imaging) na meron siyang avascular necrosis.
Baka Bet Mo: Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak
Ayon sa isang health website, ang avascular necrosis “is a disease that results from the temporary or permanent loss of blood supply to the bone. When blood supply is cut off, the bone tissue dies and the bone collapses. If avascular necrosis happens near a joint, the joint surface may collapse.
“It could result in injury, fracture, damage to blood vessels, long-term use of medicines like corticosteroids, and specific chronic medical conditions, among others.”
Sabi ni Angelica, “Ang tanging solution niya, sabi sa akin, ay surgery, parang joint replacement na nakakatakot pakinggan.”
After this, nag-consult si Angelica sa isang medical expert na may “conservative approach” sa kanyang sakit kung saan may involved na stem cell injection para sa “bone regrowth and regeneration.”
Sa ngayon, sinabi ni Angelica na maayos-ayos na ang kanyang kundisyon. Sa katunayan, nakakatayo at nakakalakad na siya nang maayos. Nakapagluluto na rin siya at nakaka-bonding na rin niya uli ang anak na si Baby Bean.
“Mas pabuti na nang pabuti ‘yung pakiramdam ko,” anang aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.