Rambo kay Maja: Cheers to your 1st birthday as my wife!

Rambo Nuñez sa kaarawan ni Maja Salvador: Cheers to your first birthday as my wife! 

Pauline del Rosario |October 06,2023
facebook
share this

Rambo Nuñez sa kaarawan ni Maja Salvador: Cheers to your first birthday as my wife! 

Pauline del Rosario - October 06, 2023 - 01:40 PM
Rambo Nuñez sa kaarawan ni Maja Salvador: Cheers to your first birthday as my wife! 
PHOTO: Instagram/@rambonunez

SA kauna-unahang pagkakataon, ipinagdiriwang ng aktres na si Maja Salvador ang kanyang kaarawan bilang “married woman.”

Ito rin mismo ang binigyang-diin ng kanyang mister na businessman na si Rambo Nuñez sa isang Instagram post kung saan ay inihayag niya ang kanyang pagbati sa asawa.

Magugunitang unang ikinasal sina Maja at Rambo noong Pebrero sa pamamagitan ng civil wedding.

Makalipas ang ilang buwan ay muli silang nag-isang dibdib na ginanap naman sa Bali, Indonesia noong Hulyo.

“Cheers to your first birthday as my wife! @maja [emojis],” pagbati ng negosyante sa aktres kalakip ang sweet photos nilang dalawa na tila sakay ng isang luxury train.

Aniya pa, “To more adventures and waking up in different places as we grow old together [emoji],” he told the “Wildflower” star. 

Baka Bet Mo: Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

https://www.instagram.com/p/Cx_0nN5ylOz/

Kasunod niyan ay may post ulit si Rambo kung saan makikita ang litrato ni Maja na tila kumakain ng breakfast sa parehong train ride.

Caption niya, “Happy Birthday to the view that I wake up to every morning! @maja [emoji] I love you so much!”

https://www.instagram.com/p/Cx_zlMhSxka/

Makikita sa comment section na bumuhos ang pagbati mula sa kapwa-artista, katulad nina Nikki Valdez at Lara Quigaman, pati na rin ang mag-asawang sina  Lovi Poe at British film producer na si Monty Blencowe.

Bukod sa kanila, may “happy birthday” messages rin sina Maine Mendoza, MJ Lastimosa, Sarah Lahbati, Sofia Andres, Pauleen Luna, at Kakai Bautista na ibinandera naman nila sa kani-kanilang Instagram Stories.

Sa kasalukuyan, bida si Maja sa Kapuso series na pinamagatang “Open 24/7” kasama sina Vic Sotto, Jose Manalo, at Sofia Pablo.

Related Chika:

Maja Salvador tipid pa rin sa pagse-share ng detalye sa ‘destination wedding’ nila ni Rambo Nuñez; binansagang ‘Queen of All Networks’

Janella Salvador super happy sa kasal nina Maja at Rambo: My parents are married!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending