Jessy napaiyak sa presscon, umaming gusto nang mag-quit sa showbiz

December 05,2018
share this

Jessy napaiyak sa presscon, umaming gusto nang mag-quit sa showbiz

December 05,2018
share this

NAPAIYAK si Jessy Mendiola sa grand presscon ng isa pang 2018 MMFF entry na “The Girl In The Orange Dress” ng Quantum Films. Naging emosyonal ang dalaga habang nagkukuwento tungkol sa kanilang movie ni Jericho Rosales.

Sey ni Jessy, balak na raw niyang mag-quit sa showbiz dahil feeling niya hindi talaga para sa kanya ang pag-aartista. Pero bigla raw dumating ang offer ng Quantum para bumida sa entry nila sa filmfest this year.

At dahil dito, bumalik ang tiwala niya sa kanyang sarili at ang passion niya sa akting. Nagpasalamat siya sa Quantum Films dahil sa tiwala na ibinigay sa kanya para magbida sa “The Girl In The Orange Dress” na showing na sa Dec. 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending