Jessy sa tumitira kay Luis: Hindi pare-parehas lahat ng artista

Jessy sa tumitira sa pagtakbo ni Luis: Hindi pare-parehas lahat ng artista

Ervin Santiago - October 07, 2024 - 09:32 AM

Jessy sa tumitira sa pagtakbo ni Luis: Siya ang pinaka-qualified sa lahat

Luis Manzano at Jessy Mendiola

MATAPANG na sinagot ni Jessy Mendiola ang mga bumabatikos at nangmamaliit sa kakayahan ni Luis Manzano na makapaglingkod sa bayan.

Maraming nagsasabi na kayang-kaya ni Luis ang maging public servant tulad ng nanay niyang si Vilma Santos pero may mga kumukuwestiyon din sa pagtakbo ng TV host-actor sa 2025 elections.

Sabay-sabay na nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) last Wednesday, October 3, ang mag-iinang Ate Vi, Luis at Ryan Christian Recto kamakailan para sa pagtakbo nila sa darating na eleksyon.

Baka Bet Mo: Luis nanghihingi agad ng bagong baby kay Jessy: Gusto ko nga sunud-sunod na

Kakandidato uli bilang governor ng Batangas ang Star For All Seasons, Vice governor naman si Luis, habang tatakbo namang congressman si Ryan Christian sa 6th District ng Batangas.

Ibinandera ni Jessy sa buong universe na sa lahat daw ng mga celebrities na tatakbo sa magaganap ba midterm elections next year, si Luis daw ang pinaka-qualified.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Pero binabatikos ngayon ang mag-iinang Vilma, Luis at Ryan dahil sa sabay-sabay nilang pagtakbo sa 2025 at inakusahang nagpapalaganap ng political dynasty sa Pilipinas.

Pahayag ni Jessy sa isang post sa Instagram, “This wasn’t part of our plan but God had other plans for us,” mababasa sa Instagram post ni Jessy, kaugnay sa kandidatura ng mister.

“Isa ka sa pinakamasipag, maalaga at mapagbigay na tao na kilala ko. Kahit noon pa man, palagi mong iniisip kapakanan ng ibang tao. Mahilig kang tumulong at makinig sa iba kahit pa walang kapalit na ano pa man, hindi mo gusto na binabanggit yung pangalan mo o pinapaalam pa sa taong tinutulungan mo.

“Minsan tumatanggap ka ng trabaho kahit na pagod na pagod ka na dahil may pinangakuan kang tutulungan. Alam namin yan at kahit lahat ng mga katrabaho mo, alam nila kung gaano ka ka mapagbigay. Ang puso mo ay napaka-linis at yun ang isa sa rason kung bakit kita minamahal,” sabi ni Jessy.

Aniya pa, “Alam kong hindi ito parte ng plano natin pero andito ako para suportahan ka kahit ano pa man ang mangyari. Isang malaking pagbabago ito sa buhay natin at alam kong mabuting pagbabago ito. Marami kaming nakasuporta sayo, Love.

“I am extremely proud of you for choosing this path, the path to help make a change and extend help to others. You are made for this. Mararanasan na ng iba ang alagang ‘LUCKY’ na ilang taon ko na rin nararanasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


“Ang SWERTE namin sayo. Mahal na mahal ka namin, maraming salamat @luckymanzano sa buong pusong paglilingkod. Maunlad na Batangas, para sa bagong Pilipinas,” lahad ni Jessy.

Sa comments section ng kanyang post, may netizen ang nagsabing, “On a serious note po, I hope na may magandang intensyon po ang iyong pagtakbo sa darating na eleksyon. Hindi po ako against sa mga celeb/sikat na gusto pasukin ang politika, pero sana ay may sapat na kakayahan at kaalaman po sa buong proseso ng politika.

“Kase yung responsibility po na aakuin nyo if mananalo kayo ay para ring responsibilidad ng isang doktor na buhay ng tao ang nakasalalay, sana lahat ng maniniwala at boboto sayo ay may maasahan at hindi masasayang boto nila,” sey ng netizen.

Sagot ng asawa ni Luis, “Sana din bigyan ng pagkakataon si Luis to prove this. He grew up learning so much from his mom and his stepdad when it comes to politics. I do not understand why some people are so quick to judge porket ‘artista’ siya.

“Ang pagiging artista ay isa lang sa mga kaya niyang gawin sa buhay. Others do not know Luis like I do. What if he just really wants to serve the Filipino people?

“Others are so quick to judge. Honestly, sa lahat ng artista na tumakbo at tumatakbo si Luis ang isa sa pinaka-qualified sa lahat. I hope people let him prove himself when it comes to public service.

“Kung ang ibang tao nga may karapatan tumakbo, bakit ang isang tulad niya hindi pwede? Napalaki ng maayos at matino si Luis nila Momski, Daddyo at Tito Ralph. Hindi naman siya ina-appoint sa pwesto niya. Lalaban siya ng patas.

“At the end of the day, ang mga BOTANTE pa rin ang magdedesisyon kung ihahalal siya bilang public servant, wala nang iba,” diretsong sabi ni Jessy.

Reaksyon ng isa pang netizen sa statement ni Jessy, “I think the people, especially the Batangueños have the right to judge considering the fact that a lot of artistas who had the chance to sit in a position have failed to serve what they needed to serve.

“The fact that no one truly knows him like you do just adds sa many reason why people should question his intentions. Nevertheless, if manalo man siya I hope he does his best throughout his term. Because ang pag-unlad ng Batangas ay pag-unlad ng Pilipinas. YAY. (I grew up watching him so I really hope he won’t disappoint your people),” may point na sabi ng netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang reply sa kanya ni Jessy, “Yes. They have the right to judge, but let’s not forget that he has a right to prove himself too. It goes both ways. Nagsisimula pa lang siya, pinipigilan na agad. Hindi pare-parehas lahat ng artista.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending