Otlum sa mga CEO ng beauty brands: Ako ang pagandahin nyo

Otlum may hugot sa mga CEO ng beauty brands: Ako ang pagandahin nyo

Therese Arceo - May 24, 2024 - 02:10 PM

Otlum may hugot sa mga CEO ng beauty brands: Ako ang pagandahin nyo
NAGBIGAY ng matapang na pahayag ang kilalang personlidad na si Otlum patungkol sa mga CEO ng mga nauusong skincare products sa Pilipinas.

Sa isang viral video ay hinamon ng social media personality at sinabing dapt raw ay huwag sa mga magaganda na ang mga kuning nitong model o brand ambassadors.

“Kung talagang gumagana ang mga sabon at gamot ninyo, ako ang pagandahin nyo,” hamon ni Otlum.

Dagdag pa niya, “Hindi yung maganda, ang pinapaganda nyo pa.”

Baka Bet Mo: MMFF MOVIE REVIEW: Do you believe in OTLUM’?

Umani nga ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naging pahayag ni Otlum.

May ilan na sumang-ayon habang ang iba naman ay hati ang opinyon ukol rito.

“Tama si Otlum, mas mapapakita ng mga kumpanya na effective ang kanilang produkto kung kaya nilang pagandahin ang mga taong may skin problems,” saad ng isang netizen.

Para naman sa isa, negosyo pa rin ang dahilan kaya mga kilala at magagandang modelo ang kinukuha ng brands.

“Huwag natin kalimutan na ang pagkuha ng mga kilalang personalidad ay para mas madaling maipakilala ang produkto. Pero maganda rin na bigyan ng pagkakataon ang iba,” sabi naman ng isa.

At ngayong nag-viral ang pahayag ni Otlum, magkaroon kaya ng chance na may kumasa ng kanyang challenge sa mga may-ari ng mga sikat na local skin care brands? Abangan natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending