Jerome Ponce, Jane Oineza muntik nang maging magdyowa: Hindi po nag-bloom | Bandera

Jerome Ponce, Jane Oineza muntik nang maging magdyowa: Hindi po nag-bloom

|May 18,2019
facebook
share this

Jerome Ponce, Jane Oineza muntik nang maging magdyowa: Hindi po nag-bloom

- May 18, 2019 - 12:02 AM

MUNTIK na palang maging magdyowa ang mga Kapamilya stars na sina Jane Oineza at Jerome Ponce.

Ito ang inamin ni Jane sa nakaraang presscon ng latest movie ng Regal Entertainment na “Finding You” kung saan muli nga silang magtatambal ni Jerome. Aniya, espesyal pa rin ang relationship nila ng aktor na inilarawan niyang, “more than friend but less than lovers.”

“Hindi naman naging kami to begin with. Parang hindi nag-bloom. Parang pwede na makarating sa ganoon kasi nag-uusap naman kami. May potential pero hindi umabot doon,” paglilinaw ni Jane.

Unang nagkasama sina Jane at Jerome sa Kapamilya series na Nasaan ka Nang Kailangan Kita noong 2015.

Maraming qualities si Jerome na nagustuhan ni Jane as a person and as a friend, “Sweet siya as a person. Hindi ko lang maalala kung may ginawa siya for me noon. Pero as a person, sweet siya, maalalahanin naman siya. Mabait.

“At saka gusto ko may humor. Kailangan mapapatawa mo ako, kailangan hindi ako ma-bored. Kailangan masaya lang.’Yun ‘yung mahalaga sa akin. ‘Yung comfortable ako at ikaw. Ganoon lang, walang pretensions,” aniya pa.

Nang tanungin naman si Jerome about sa past nila ni Jane, “Wala naman yata kaming…we’re friends, ‘yun lang.

Nananatili kaming magkaibigan kasi madalas naman kaming nagkikita dahil ‘pag nakikita kami nagkukwentuhan nang matagal, tapos nagkakayayaan lumabas with other friends.”

Sa pagkakaalam namin, very much together pa rin sina Jerome at volleyball player Mika Reyes.

Anyway, dahil sa closeness nina Jerome at Jane, lumabas na natural at makatotohanan ang kanilang special friendship sa “Finding You”. In fairness, mukhang promising ang kuwento ng bagong offering ng Regal.

Tungkol ito sa kuwento ng journalist na si Nel (Jerome), isang lalaking may sakit na hyperthymesia. Ang nasabing medical condition ay opposite ng amnesia kaya lahat ng masasakit na detalye sa kanyang buhay ay hinding-hindi niya makakalimutan.

Si Jane naman si Kit, ang kanyang “bride to be” at best friend na laging nasa tabi niya through thick and thin. Paano nga ba buburahin ni Kit sa alaala ni Nel ang lahat ng kanyang hugot sa buhay? May chance pa kayang gumaling ang binata?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Finding You” ay sa direksyon ni Easy Ferrer at showing na nationwide sa May 29. Kasama rin dito sina Barbie Imperial, Claire Ruiz, Kate Alejandro, Jon Lucas at Paeng Sudayan.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending