Rhian Ramos inspirasyon si SV sa 'Where in Manila'

Rhian paboritong streetfood ang ‘betamax’, inspirasyon si SV sa ‘Where in Manila’

Reggee Bonoan - February 28, 2025 - 01:51 PM

Rhian paboritong kainin ang 'betamax', inspirasyon si SV sa 'Where in Manila'

Rhian Ramos, Sam Verzosa during ‘Where in Manila’ presscon

SA launching ni Rhian Ramos bilang host ng lifestyle/travel show na “Where In Manila” kahapon, February 27, na ginanap sa Winford Hotel Manila ay nalamang foodie siya base na rin sa teaser ng bago niyang programa.

Inamin din ng TV host-actress na mahilig siya sa street foods at pinakapaborito nito ang Betamax kaya nagulat ang lahat dahil sa ganda at sosyaling imahe ni Rhian ay kumakain siya nito.

“Siguro part ‘yun ng image ko, pero maniwala kayo, ang hirap kasi kapag nanggaling sa akin. Pero hindi naman ako maarte. And honestly, ang mga tao sa showbiz, although, akala mo mukhang glamorous, hindi ka talaga pwedeng maarte.

“Sorry, you’re gonna catch me talking about food a lot because that’s my obsession. I wanna taste everything and eat everything,” nakangiting kwento ng dalaga.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos, Sam Verzosa totoong naghiwalay pero nagkabalikan din: ‘Mas naging strong pa yung relationship namin’

Natawa nga ang boyfriend niyang si Sam ‘SV’ Verzosa na sinorpresa siya sa launching na mas maraming kinakain si Rhian na street foods na hindi pa niya natitikman.

Nabanggit din ng “Where In Manila” host na kahit ano kinakain niya dahil nga foodie siya, pero sumuko siya nang pakainin siya ng boyfriend niya ng pagong.

May pa-games raw kasi si Sam at kapag natalo ay may ipapakain.

“Actually, ‘yung sauce niya, masarap naman kasi parang niluto nila as a regular ulam. Hindi ko lang talaga matanggal sa isip ko kung ano siya, kasi may alaga akong ganu’n noong bata ako (turtle). But you know, memorable. I think I’ll remember it hanggang maging lola ako,” kuwento ni Rhian.

Kamuntikan nga raw silang mag-away ng boyfriend niya dahil dito pero naisip niyang game ito kaya dedma na.

Binalikan ng tanong si Rhian kung ano naman ang pinatikim niya kay Sam na hindi rin nito makakalimutan hanggang maging lolo na siya.

Nagkatawanan ang lahat at pati si Rhian ay tumawa na rin nang husto.

Going back sa launching ay inamin ng dalaga na ang ganda pala ng Maynila dahil maraming lugar pa ang hindi nararating ng lahat kaya na-excite siyang ipakita ito sa programa niyang “Where In Manila.”

“Napakadami palang activities, things to do, date places na you can go to. At tsaka ang dami palang iba-ibang food… ‘Yung mga Pinoy kasi talaga malasa ‘yung mga gusto natin. I think, very adventurous din tayo kumain.

“So, through shooting a few episodes, I have eaten things I would have never thought to eat before. Most of them naman I happily ate. May mga one or two lang na parang, wow this is super out of this world na for me. May mga ganu’n din pala tayong food na sine-serve dito sa Manila.”

“Then, there are a lot of things na, when you think about it– ‘Yung ipupunta mo pa sa ibang bansa like, other places in Asia that have night markets, ‘yung certain kind of food that they serve there, na I didn’t know na meron naman pala rito. ‘Yun sana ang gusto kong i-promote ‘yung kagandahan ng tanawin sa Manila, the delicious places to eat, and the wonderful people that make the city great,” masayang kwento ni Rhian sa mediacon.

Bale ba pormal na tinurn-over ni Sam kay Rhian ang programang “Where In Manila” na parehong timeslot ng programa niyang “Dear SV” na napapanood tuwing Sabado sa ganap na 11:30 ng gabi sa GMA 7.

Ang konsepto ng “Where In Manila” ay nag-ugat sa kakakwento ni Sam kay Rhian kung gaano kaganda ang Maynila habang nag-iikot siya rito bilang kumakandidato siya bilang mayor ng nasabing lungsod.

Sey ni Rhian, “Nanggaling talaga ‘yung concept ng show na ‘to sa mga kuwento ni SV sa akin kapag may napuntahan na naman siyang lugar, ‘Ha? May ganyan?’ ‘Tapos, may ipapadala siyang video or picture or pagkain from that place. Ayun, parang I just wished it was me out there exploring kasi ang dami pang unknown places na ‘di pa na-discover.

“It’s very known naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things that I’ve never eaten before, seeing places I’ve never been before. Pero who knew that there’s so much to be seen and celebrated just in our backyard which is in Metro Manila.”

Sa unang shooting day ng “Where In Manila” ay natuwa na agad ang host, “Kung saan kami makakahanap ng masarap na pagkain, a bit of adventure, magandang tanawin, pupuntahan namin lahat talaga ‘yan. Ang dami ko nang nakita at nakilala na mga small business owners na dapat talagang bigyan ng pansin ‘yung pino-promote nilang parts of Manila.

“I believe that the people is really what make the city so colorful. ‘Yung mga original nilang ideas na ginagawa nilang negosyo, na ginagawa nilang produkto na puwede talagang ipagmalaki sa buong Pilipinas.

“I want people to be excited about being Filipino. I want them to be excited and proud being from the Philippines and exploring their own country bago sila tumingin sa labas,” ani ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Simula sa March 8, Sabado, ay mapapanood na ang “Where In Manila” sa ganap na 11:30 ng gabi sa GMA 7 produced ng TV8 Media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending