'Katips' lead cast na si Jerome Ponce nanood ng 'Maid in Malacañang', Darryl Yap nagpasalamat Bandera

‘Katips’ lead cast na si Jerome Ponce nanood ng ‘Maid in Malacañang’, Darryl Yap nagpasalamat

Therese Arceo |August 06,2022
share this

‘Katips’ lead cast na si Jerome Ponce nanood ng ‘Maid in Malacañang’, Darryl Yap nagpasalamat

Therese Arceo August 06, 2022 - 02:21 PM

Jerome Ponce nanood ng 'Maid in Malacañang', Darryl Yap nagpasalamat
MARAMI ang nagulat nang mamataan ang isa sa mga lead cast ng “Katips” na si Jerome Ponce na nanood ng katunggali nitong pelikulang “Maid in Malacañang”.

Nag-post kasi ang ina ni Sachzna Laparan, na isa rin sa parte ng pelikulang “Katips” ng larawan sa kanyang Facebook account.

Makikita sa larawan sina Jerome, Sachzna, ina ni Sachzna at isa pang kasamahan nila na nagpa-picture sa poster ng “Maid in Malacañang”.

“Iyak tawa! Sobrang ganda ng MiM wala akong masabi sa Darryl Yap namaga ang mata ko at grabe yung totoong MGA MAID SILA ANG TOTOONG BIDA! Bidang bida hahaha! And of course thank you Joseph Jerome Porciuncula sa pag sama,” saad ng ina ni Sachzna na si Cristine Laparan Policarpio sa caption ng kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerome Ponce (@mrjeromeponce)

Kinuhaan naman ng “Maid in Malacañang” director ng screenshot ang post ni Christine at ibinahagi sa kanyang account.

“Salamat sa panonood Sachzna Laparan at Jerome Ponce, parehas artista sa pelikulang katips,” sey ni Darryl.

Agad namang nag-trending si Jerome sa Twitter dahil hindi napigilan ng mga netizens ang maglabas ng sama ng loob sa tila pagtraydor ng aktor sa kanilang pelikula at mga kasamahan.

“Dapat pala tinanggap na lang ni vance larena ang role. at sayo naman Jerome Ponce, alam mo naman sa sarili mong apologist ka. bakit mo tinanggap yung role? wala ka bang reading comprehension o wala ka lang respeto sa mga naging biktima noong martial law? tanga ka?” gigil na gigil na sabi ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Jerome Ponce the cheater and apologist lmao pick a struggle sis.”

“You’re the main lead of the film that tackles the lives of the martial law victims, yet in reality you supported the film of the family that justifies that? Ironic. Time to unfollow Jerome Ponce for being an enabler,” hirit pa ng isa.

Marami rin ang nanghihinayang at sana raw ay si Vance Larena na lamang ang gumanap sa role ni Jerome dahil bukod sa mas mabibigyan daw nito ng hustisya ang role ay hindi pa ito apologist.

Si Vance na isa sa mga magagaling na aktor ngayon ay naging parte rin ng Philippine Stagers Foundation ni Vince Tañada kung saan siya unang nagsimulang umarte.

Samantala, wala pa rin namang pahayag si Jerome maging ang girlfriend nitong si Sachzna sa kinasasangkutang kontrobersya.

Tila nagpatutsada naman ang ina ni Sachzna sa mga bashers nila sa pamamagitan ng pag-quote kay Eli Soriano sa kanyang Facebook post.

“Maikli lang ang buhay para gugulin natin sa galit at inis, kaya mabuhay tayo ng may Pagibig,” sey nito.

Related Chika:
Sachzna Laparan tinakot daw ng pulis; netizens napa-react

Sachzna Laparan ipina-Tulfo ang nagpakilalang pulis sa kanyang viral video

Nikko, Jerome, Dave ang bagong Goma, Tsong at John; bibida sa sitcom na ‘GVBOYS’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending