Sachzna Laparan tinakot daw ng pulis; netizens napa-react | Bandera

Sachzna Laparan tinakot daw ng pulis; netizens napa-react

Therese Arceo - November 24, 2021 - 08:38 PM

Sachzna Laparan tinakot daw ng pulis; netizens napa-react

VIRAL ngayon ang Facebook post ng social media influencer at vlogger na si Sachzna Laparan kung saan diumano’y may nakaalitan silang pulis habang kumakain sa isang restaurant.

Ayon sa kuwento ng vlogger, nakipag-usap sila sa manager ng nasabing restaurant para i-reserve ang katabing table dahil may mga kamag-anak silang darating na agad namang pinayagan ng manager.

Makalipas ang ilang oras ay may couple na umupo sa sinasabing reserved table para sa kaanak ni Sachzna.

“May umupo na mag couple. After they sat, the manager approached them na narinig ni mama. Maayos na nakikiusap ang manager na kung pwede ba silang lumipat ng ibang table since marami naman ng available dahil reserve na nga yung table na inupuan nila.

“Then they refused at nilapitan kami ng manager para pakiusapan na baka pwedeng sa kabilang table nalang yung darating na relative. Pumayag kami agad kase mas malaki din naman yung table na lilipatan at pwede naman kaming lumipat,” pagbabahagi ni Sachzna.

Akala raw nila ay maayos na ang lahat ngunit bigla raw nilang narinig ang pagrereklamo ng couple sa kabilang mesa na tila nagagalit.

“Nung lumapit yung isa sa mga staff nila to cater their orders.. Tinaasan sya ng boses at sinabing ‘Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko! (habang nakatingin samin) at naglabas ng bugkos ng pera sa bag at hinampas sa table,” pagpapatuloy ni Sachzna.

Nagulat raw ang vlogger at ang pamilya nito dahil tahimik lamang daw silang kumakain sa kanilang table.

Kaya naman nagtanong na ang ina ni Sachzna kung ano ang problema ng mga nasa kabilang table at dito na nagsalita ang pulis laban sa kampo nina Sachzna.

“Pinapalayas nyo kami! Ang babatos nyo! Pulis ako! Gaano na kayaman yan? Gusto mo bilhin ko yan?” saad ng pulis.

“Buntid kasi ako! Bakit n’yo kami pinapaalis?” singit naman ng babaeng kasama ng pulis.

Sey ni Sachzna, wala naman daw nagpapaalis sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐒𝐀𝐂𝐇𝐙𝐍𝐀 (@sachzna)

“Takot kaming lahat kasama pa yung kapatid kong 15 years old. He was acting na as if galit sya at may binubunot sa bag nya. We were threatened na wag i-post yung mga videos na to dahil idedemanda nya kami ng CYBERCRIME.”

Kuwento pa ni Sachzna, itinago raw ng pulis ang bugkos ng pera nang magsimula silang kunan ng video ang nangyayari.

“Nung nag start na ko mag video, pinapalabas nila na kami pa ang nang bastos. Kahit wala kami sinabing kahit ano against sa kanila. Weird. Then biglang tago ng pera na hinampas nya sa table nila.”

Ani Sachzna, alam niyang delikado ang ginawa niya pero kinakailangan raw noya itong gawin para protektahan ang sarili at ang kanyang pamilya.

Dagdag pa niya, hindi raw lahat ng details ay nakuhaan nila ng vodeo ngunit sisikapin niya na makuha ang kopya ng CCTV para makita ang buong pangyayari.

Hati naman ang opinyon ng mga netizens patungkol sa isyu.

May mga netizens ang kumukuwestiyon sa ginawa ng pulis lalo na at nakuha sa video ang pera na inilabas niya noong diumano’y bantaan niya ang panig nila Sachzna.

“Pulis pulisan sinisira nio ang karangalan ng mga kapulisan. against the law yan sir alam nio po pag ang pulis if na off duty na siya pulis pa din po siya pero citizen na po siya pag civilian po siya at bawal na bawal po na gamitin ang sasabihin mong pulis ka pag mga ganyang venue maliban if may e duty kayo,” comment ng netizen.

May mga nagsasabi namang tila hindi naman daw sila na-trauma o natakot dahil nagpalakpakan pa raw sila nang lumabas ang pulis at kasama nito sa restaurant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iniisip ko bat naging ganon attitude nung mag asawa, baka naman may sinabi din kayong hindi maganda na narinig nila kaya nagka ganon. wala ako pinapanigan pero ayokong mag base sa vid nyo lang. sabi kasi ayusin nyo pambabastos nyo,” comment naman ng isa pa.

Hindi naman na-identify kung ano ang pagkatao ng lalaki na nagpapakilalang pulis.

Nilinaw naman ni Sachzna na hindi niya nais mamahiya kundi gusto niya lang ay mag-raise ng awareness dahil maaaring may ibang tao ang makaranas ng kanilang na-experience.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending