Sachzna Laparan nakipagsagutan sa partner ni Jomar Lovena: 'Mahiya ka te, never kang pinagselosan' | Bandera

Sachzna Laparan nakipagsagutan sa partner ni Jomar Lovena: ‘Mahiya ka te, never kang pinagselosan’

Therese Arceo |May 18,2023
facebook
share this

Sachzna Laparan nakipagsagutan sa partner ni Jomar Lovena: ‘Mahiya ka te, never kang pinagselosan’

Therese Arceo - May 18, 2023 - 08:03 PM

Sachzna Laparan nakipagsagutan sa partner ni Jomar Lovena: 'Mahiya ka te, never kang pinagselosan'
TRENDING at nahaharap na naman sa isyu ang social media influencer na si Sachzna Laparan matapos makipagsagutan kay Veybillyn Gorens.

Si Veybillyn ay ang live-in partner ng dating ka-loveteam ng social media personality na si Jomar Lovena.

Nagsimula raw ang awayan ng dalawa nang mag-message si Veybillyn kay Sachzna ng larawan nilang magkasama ni Jomar sabay hirit ng “Di kayo marunong rumespeto? HAHAHAHAHA.”

Dito na nga nagsimula ang sagutan ng dalawa kung saan nagkalabasan sila ng mga paratang na wala namang mga patunay kung totoo nga ba.

“Sayang ganda mo bhieee kung kumakabit ka lang huhu,” post ni Veybillyn na bagamat walang pangalan ay pinaniniwalaang si Sachzna ang tinutukoy.

Nag-post rin naman ang dalaga sa kanyang Facebook page at sinabing “MAMA MO TH.”

Clue pa ni Sachzna, dating fan ng team josa (loveteam nila ni Jomar) na ngayon raw ay hater na.

Matatandaang sinabi noon ni Veybillyn na fan siya ng tambalang JoSa bago pa man sila maging magkarelasyon ni Jomar.

May mga ibinahaging screenshot naman si Veybillyn kung saan tinatanong niya si Jomar kung pinagselosan nga ba niya si Sachzna.

“Mahiya ka te, never kang pinagselosan,” sey nito.

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan may pa-free hug sa Taiwan, netizens nag-react: The design is very…

Bwelta naman ng controversial social media personality, “Luh? Kaya pala panay tanong ka kung totoo yung samin ni Jomar kada nag vvlog kami.”

Giit pa ni Veybillyn kay Sachzna, “Mhie samin ka ba nangabit or sa asawa bg… HAGAHAHAHAH KATAWA KARESPETO LANG PO HINIHINGI KO SAYO nung times na di kami okay ni jomar natamaab ka agad sa post ko.”

Sa ngayon ay burado na parehas ang mga patama ng dalawa sa isa’t isa ngunit mabilis ang mga netizens at agad na nakapag-screenshot sa ga ganap sa pagitan nina Veybillyn at Sachzna.

At mukhang walang magpapatalo sa dalawang kampo dahil kahit nagkaburahan na ang dalawa ay mukhang balak pang magsampa ng kaso ng kabilang partido.

“Pinapadelete na ni Mama mo tintin yung patol moments ko. Rekyang kaso na lang daw. Need ko sundin nanay ko eh, lalo na kung matino nanay ko,” sey ni Sachzna.

Related Chika:
Sachzna Laparan happy na sa life ayon kay Ogie Diaz, naka-move on na kay Jerome Ponce?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa ‘kin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending