Mister pinutulan ng ari ni misis, kabit nabanggit habang nagtatalik

Mister pinutulan ng ari ni misis, kabit nabanggit habang nagtatalik

Ervin Santiago - July 09, 2024 - 08:03 PM

Mister pinutulan ng ari ni misis, kabit nabanggit habang nagtatalik

DAHIL sa matinding selos, nagawang putulin ng isang misis ang ari ng kanyang mister sa Baguio City nitong nagdaang Sabado ng gabi, July 6.

Hindi na raw kinaya ng suspek, 55, ang nararamdamang sakit dahil sa pagseselos sa hinihinalang “kabit” ng kanyang asawa kaya nagawa niyang putulin ang private part nito.

Base sa ulat ng ABS-CBN, katatapos lang daw mag-inuman ng mag-asawa nang sila’y magtalik. Ngunit habang pinaliligawa ang isa’t isa bigla raw nabanggit ni mister ang pangalan ng umano’y kalaguyo nito.

Baka Bet Mo: Ogie ginagamit sa pagbebenta ng underwear na sinasabing nagpapalaki raw ng ari ng lalaki: ‘This is not me guys, this really has to stop’

“’Buti pa yung isa ganito, nami-miss ko na yung isa,’ sabi niya,” ang pahayag ng ginang.

Pero hindi pa raw dito natapos ang tila pang-aasar sa kanya ng asawa, “Hanggang sa pagtulog namin, maglalaro kami, tapos yung babae ang binabanggit niya.”

At dahil sa nararamdamang sama ng loob dulot ng selos, pinutol ng suspek ang ari ng kanyang mister. Hindi nabanggit sa report kung ano ang ginamit ng ginang sa pagputol ng kaligayahan ng asawa.

Tumakas ang ginang matapos ang insidente ngunit kusa rin siyang sumama sa mga pulis.

Baka Bet Mo: Babaeng Fil-Am superhero na si Ari Agbayani, kabilang sa bagong serye ng Captain America

Sabi pa ng ginang sa kanyang salaysay, palagi rin daw siyang binubugbog ni mister. Kinasuhan na raw niya ito noon pero binawi rin agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung karapatan ko lang bilang babae ang pinaglalaban ko ngayon. Kabayaran niya yan po, kung may kasalanan siya, may kasalanan ako. Alam na alam niya yan,” ang pahayag pa ng ginang.

Nagpapagaling na sa isang ospital ang biktima matapos maikabit uli ang kanyang ari. Nasa kustodiya na ng Baguio City Police Station 9 ang suspek na sasampahan ng kasong mutilation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending