Ogie ginagamit sa pagbebenta ng underwear na sinasabing nagpapalaki raw ng ari ng lalaki: 'This is not me guys, this really has to stop' | Bandera

Ogie ginagamit sa pagbebenta ng underwear na sinasabing nagpapalaki raw ng ari ng lalaki: ‘This is not me guys, this really has to stop’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 07:47 PM

Ogie ginagamit sa pagbebenta ng underwear na sinasabing nagpapalaki raw ng ari ng lalaki: 'This is not me guys, this really has to stop'

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

MARIING pinabulaanan ng TV host-actor at singer na si Ogie Alcasid ang kumakalat na social media post tungkol sa pagbebenta ng underwear na nakapagpapalaki raw ng ari ng lalaki.

Ibinahagi ng veteran Kapamilya singer-songwriter ang nasabing Facebook post sa kanyang Instagram account kasabay ng pagbibigay ng warning o babala sa madlang pipol.

Ayon sa OPM icon hindi siya ang online seller na nagbebenta ng underwear na nagsasabing lalaki raw ng “4cm” ang sex organ ng mga customers na bibili at magsusuot nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


Makikita sa Instagram post ng mister ni Regine Velasquez na nakapangalan kay Ogie Alcasid, Jr. ang nasabing fake account. Ginamit pa ng nasabing FB page ang mga litrato nina Ogie at Regine para sa pekeng advertisement.

“Morning everyone. I was alerted again by some friends about this fraudulent post. This is not me guys,” ang caption ni Ogie sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Joseph Marco sobrang na-stress, inatake ng anxiety bago ibandera ang viral ‘pabukol photo’

“Guys pls report this person. This really has to stop,” ang sabi pa ni Ogie.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng kanyang mga IG followers, may mga nag-alala sa panggagamit ng poser sa pangalan at litrato ni Ogie para lamang makapanloko ng kanilang kapwa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


Pero in fairness, mas marami ang natawa nang mabasa ang ipinost ng Kapamilya star. Kabilang nga sa mga napakomento nang bonggang-bongga ay mga kaibigan ni Ogie sa showbiz.

Ilan sa mga celebrity friends na pumatol at naaliw sa fake account ay sina Amy Perez, Vina Morales, Darren Espanto, Wendell Ramos, at ang kaibigan niya at dating kasamahan sa GMA 7 na si Michael V.

Hirit ni Bitoy sa kanyang BFF, “Weh… ‘di nga? E ito ‘yung Christmas gift mo sa ‘kin e!”

“Post ko ‘yung video soon,” ang pang-aasar pa ni Bitoy kay Ogie na tanging laughing emoji lang ang isinagot sa Kapuso comedian.

Comment naman ni Wendell, “Tol @ogiealcasid nka order na ako nyan.. promise!”

“Ay naku ano ba yan! Bad sila! @ogiealcasid iba kasi yung kwento po amin nila @vhongx44 @ryanbang and @jhonghilario!” ang sen ni Tyang Amy.

Hey naman ni Darren, “Tito Ogs. Seller ka na po pala ng brief eh.”

“Totoo ba toh Hahahaha natawa ako sorry brother!” ang komento naman ni Vina.

Jessy na-shock nang regaluhan ng underwear ng manliligaw: Paano mo nalaman yung size ko?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joseph Marco ginulat ang madlang pipol sa pa-‘bakat’, Rosanna Roces shookt: Nagkakasala ako nito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending