Underwear billboard ni Alfred Vargas naging bahagi ng ‘awakening journey’ ng beking TikTokerist: ‘Siyempre nagulat ako!’
SA halip na ma-offend o mabastusan, naaliw at na-appreciate pa ng actor-public servant na si Councilor Alfred Vargas sa rebelasyon ng isang beking TikTokerist.
Napanood ng Kapuso actor ang video ng nagngangalang MCCARTNEY na naka-upload sa @mccartnetcale TikTok account kung saan inamin nito ang pagpapantasya noon kay Alfred.
“Nu’ng bata ako, alam ko nang hindi ako straight. Kasi ‘yung awakening ko, artista. And alam ninyo kung sino? Si Alfred Vargas,” ang simulang pagbabahagi ng naturang TikTok user.
Pagpapatuloy pa niya, “Si Alfred Vargas na nakita ko ‘yung billboard niya along Guadalupe. Alfred Vargas in underwear. Nu’ng dumaan kami du’n, parang, ‘oh. Oh shet. I’m feeling things. Wow!’
“And sobrang funny kasi from then on, tumatak na siya sa isip ko, like nai-imagine ko pa, I think white pa ata ‘yung underwear niya nun. Basta delicioso. Yum yum yum,” ang nakakaloka pa niyang rebelasyon.
May nag-send daw kay Konsehal Alfred ng video at ang una raw niyang reaksyon, “Siyempre nagulat ako bigla na lang may mga na-forward sakin ng link ng TikTok na ito.”
Dugtong ng aktor at dating congressman, “Pinanood ko yung buong video at napangiti ako at natuwa ako kasi meron pala akong ganu’ng positive effect sa kanya.
“Happy ako kasi naging bahagi pala ako sa ‘awakening’ journey ng isang tao. In fairness, parang model-looking siya na may pagkaartistahin?
“So mataas pala ang standards niya sa looks ah? Pumasa ang Underwear Billboard ko (more than ten years ago) sa taste niya wow ah! Ha-hahahaha!” birong pahayag pa ni Konsi.
“Seriously, I’m happy for mccartney. I hope maging inspiration din siya sa iba na still finding courage and support sa identity nila.
“Because whoever you are, kahit sino ka pa, you are someone to be loved, someone who can dream and reach your dreams, someone to be respected, and someone who can have the same opportunities in life just like everybody else.
“Importante itong ‘awakening’ para sa ating lahat because it’s part of loving ourselves. We can only truly love ourselves and others if we truly love who we really are.
“Thanks for this, Mccartney. Nakakuha ka ba ng Walker coffee table book ko dati? If not, try ko maghanap and bigay ko sayo personally signed copy,” ang pangako pa ni Alfred sa naturang TikTokerist.
2 kasong isinampa laban kay Jomari Yllana ng dating dyowa ibinasura
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.