Morissette Amon ‘rightful successor’ nga ba ni Regine Velasquez?
USAP-USAPAN sa social media ang naging pahayag ng sikat na Canadian producer at content creator na si Ovela.
Ito ay patungkol sa binansagang “Asia’s Phoenix” na si Morissette Amon at “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez.
Ayon kasi sa content creator, posibleng si Morissette na ang tagapagmana sa trono ni Regine pagdating sa biritan at pagkanta.
Una niyang nabanggit si Regine at ayon kay Ovela sa kanyang YouTube episode na “Music Game News,” tila nagsitayuan ang kanyang balahibo sa boses ng Asia’s Songbird na “out of this world.”
Ipinakita pa nga ng content creator ang ilang performances ng singer at pinuri ito sa kanyang “high notes” at “stamina.”
Sey pa niya, “Even at 50 years of age, I still believe that she is still a knockout. But obviously when she was still in her 30s or late 20s, oh my god. She was on the top of her game, and she was even doing other things like acting.”
Para sa hindi pa masyadong aware, nasa edad 53 na si Regine na kung saan ay kaka-celebrate lang niya ng birthday noong April 22.
Sa kabilang banda ay hindi rin nag-atubiling purihin ni Ovela ang boses ni Morissette na ayon sa kanya ay may “amazing head voice,” “extreme whistle runs” at “insane high belting” na deserving maging tagapagmana ni Regine.
“I can say that Morissette is the rightful successor to the throne that we all know that Regine has,” sey ng Canadian producer.
Paliwang pa niya, “Because on top of the whistling, she can do everything that Regine has. Everything else with such precision and excellence.”
As of this writing ay wala pang pahayag o komento sina Regine at Morissette tungkol sa viral video.
Kung maaalala, ilang beses nang nagsama at nag-perform ang dalawa sa Sunday noontime show na “ASAP Natin ‘To.”
Related Chika:
Morissette, Dave Lamar 1 taon nang engaged pero hindi pa magpapakasal ngayong 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.