Morissette, Dave Lamar 1 taon nang engaged pero hindi pa magpapakasal ngayong 2022 Bandera

Morissette, Dave Lamar 1 taon nang engaged pero hindi pa magpapakasal ngayong 2022

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Morissette, Dave Lamar 1 taon nang engaged pero hindi pa magpapakasal ngayong 2022

Ervin Santiago January 23, 2022 - 08:01 AM

Dave Lamar at Morissette Amon

ISANG taon na ring engaged ang celebrity couple na sina Morissette Amon at Dave Lamar pero wala pa sa mga priority nila this year ang magpakasal.

Feeling lucky ang Kapamilya singer sa kanyang future husband dahil nga super supportive ito sa kanyang career at wala namang pressure pagdating sa kanilang relasyon.

At kahit nga one year na silang engaged ni Dave, ayon sa Asia’s Phoenix, hindi pa nila napa-finalize ang mga detalye about their wedding dahil may mga dapat pa silang asikasuhin sa kani-kanilang career.

Bukod sa kanyang upcoming 10th anniversary online concert, busy din ang biriterang singer sa pagpo-promote ng “Morissette Signature” extended play album, at iba pang projects.

“Ang hirap din i-prioritize lang at the moment (ng kasal), kasi I’m also just really grateful because my fiancé is also the one that’s really helping me a lot in my career,” pahayag ng Kapamilya star.

Pagpapatuloy pa niya, “So, especially with content, itong nakikita niyong gear, magandang lens, magandang mic (mga equipment sa zoomcon), sa fiancé ko ito! Buti na lang talaga! Kumpleto po siya.”

Pahayag pa ni Morissette, napakalaki ng naitutulong ni Dave sa kanya ngayong panahon ng pandemya, lalo na sa pagpapatakbo ng kanyang career at sa iba pa niyang commitments.


Nagpasalamat din siya sa mga fans na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya pati na rin sa mga nagpapahalaga sa lahat ng ginagawa nilang collab projects ng ng fiancé.

Sa isang Instagram post noon ni Morissette tungkol sa engagement nila ni Dave, may nag-comment ng,
“It’s okay to be in love but think about how much you’re going to lose. You are at the peak of your career right now. I’m just saying.”

Ito naman ang sagot sa kanya ng Kapamilya singer, “Hello po, sir. I don’t reply to msgs like this, but I will to you because you’re (obviously) judging me too quickly.

“I frankly don’t think I’m going to lose ANYTHING with my decision to get married, ESPECIALLY when the man I’m gonna share my life with is the same man who is currently helping me with my music. 

“This being said, you outta check out my latest single and music video ‘Love You Still’ also shot by now fiancé. And this is just the beginning,” sey pa ng singer.

Humirit uli ang netizen ng, “Nanghihinayang lang ako sa maaaring mangyari. I used to be in the industry and in the US. When an artist lalo na ‘pag pasikat pa lang then they decide to married or get pregnant, nasisira na ang career.”

Pahayag naman ni Morissette, “We are all different people, and as for me I will still go on with pursuing my music because this is what I believe God’s purpose is for me, and that can still happen even when I get married or even when I have my own family in the future.”

Sa mga hindi pa aware, si Dave ay ka-batch ni Morissette sa reality singing search ng ABS-CBN na “The Voice”. Pareho silang napabilang sa Team Sarah Geronimo.

Morissette gustung-gusto nang pakasalan si Dave Lamar; bagong version ng ‘Shine’ viral na

Morissette umamin: Tuwing may malalaking event, nagkakasakit ako…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending