Regine inaming hirap na hirap sa 'Gusto Ko Nang Bumitaw' duet nila ni Morissette: 'Kasi 100 years old na 'ko, itatapat ako sa jugets!' | Bandera

Regine inaming hirap na hirap sa ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ duet nila ni Morissette: ‘Kasi 100 years old na ‘ko, itatapat ako sa jugets!’

Ervin Santiago |February 06,2023
facebook
share this

Regine inaming hirap na hirap sa ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ duet nila ni Morissette: ‘Kasi 100 years old na ‘ko, itatapat ako sa jugets!’

Ervin Santiago - February 06, 2023 - 10:04 AM

Regine inaming hirap na hirap sa 'Gusto Ko Nang Bumitaw' duet nila ni Morissette: 'Kasi 100 years old na 'ko, itatapat ako sa jugets!'

Regine Velasquez at Morissette Amon

KNOWS n’yo bang inatake rin ng kaba ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa duet nila ni Morissette Amon para sa kantang “Gusto Ko Nang Bumitaw”?

Yes, yes, mga ka-Marites! Sa isang episode ng “ASAP Natin To” noong 2022, ibinirit nila ni Morissette ang naturang kanta na mula sa OST (original sound track) ng teleseryeng “The Boken Marriage Vow.”

Grabe! Bardagulan kung bardagulan ang nasabing production number kaya naman mabilis itong nag-viral sa social media at ginawan pa ng iba’t ibang version ng mga netizens pati na ng mga kapwa nila celebrities.

Ngunit inamin nga ng Asia’s Songbird na nakaramdam siya ng “doubt” sa kanyang sarili habang bumibirit dahil hindi siya sure kung maaabot pa niya ang mga high notes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Actually, plano raw talaga niyang i-request sa production na medyo babaan ang keys ng matataas na nota para hindi siya sumablay lalo pa’t si Morissette nga ang ka-duet niya.

“Sa totoo lang, pinagod ako ng kantang to. Kasi yung isang kumanta nito, si Mori (Morissette), parang naghikab lang, e.

“Alam mo, habang kinakanta ko to, kinakanta ko na, ah, kasi nakalimutan kong sabihin (sa banda) na, ‘Puwede n’yong ibaba,’ kasi 100 years old na ako, itatapat niyo ako kay Mori, jugets (bagets),” pagbabahagi ni Regine sa episode ng “Magandang Buhay” noong February 2.

E, ang ending – nakalimutan na ni Regine na ipa-adjust ang key kaya habang nasa stage na sila ni Morissette ay na-feel talaga niya ang pressure pero gorabels pa rin siya sa pagbirit.

“Nakalimutan kong sabihin. So, kumakanta na ako, in the middle of ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ iniisip ko aabot ba ako?’

“’Mahi-hit ko ba?’ Ganu’n yung nasa isip ko. Tapos parang, sige, laban!” natatawang chika pa ng wifey ni Ogie Alcasid.

Sey naman ng co-host niyang si Melai Cantiveros, napatunayan naman daw niyang kering-keri pa rin niyang makipagsabayan sa mga young singers ngayon.

“Pero hirap ako, sa totoo lang,” pag-amin pa ni Ate Regs.

In fairness, hanggang ngayon ay umaani pa rin ng sandamakmak na views sa YouTube ang duet nila ni Mori at sa katunayan, umabot na sa kulang-kulang 5 million ang video makalipas lamang ang apat na buwan.

Morissette Amon napabilib ang vocal coach na si Tara Simon sa pagkanta ng ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’

Kasal nina Morissette at Dave Lamar inulan nang bonggang-bongga, parang eksena sa pelikula

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Kim para sa sarili: We made it! Lahat ng prayers natin 15 years ago natupad na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending