Morissette Amon napabilib ang vocal coach na si Tara Simon sa pagkanta ng 'Gusto Ko Nang Bumitaw' | Bandera

Morissette Amon napabilib ang vocal coach na si Tara Simon sa pagkanta ng ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’

Therese Arceo - July 22, 2022 - 11:50 AM

Morissette Amon napabilib ang vocal coach na si Tara Simon sa pagkanta ng 'Gusto Ko Nang Bumitaw'

LABIS ang paghanga ng vocal coach na si Tara Simon nang mapanood nito ang pagkanta ng tinaguriang Asia’s Phoenix na si Morissette Amon sa awiting “Gusto Ko Nang Bumitaw”.

Puro papuri ang namutawi sa bibig ng vocal coach sa kanyang ginawang reaction video na uploaded sa kanyang YouTube channel.

“The diction in Filipino is so precise. [There are] lots of consonance. I have no idea what she’s saying but it’s pretty,” saad ni Tara.

Pinuri rin nito ang phonation ni Morissette nang marinig nito ang unang chorus ng kanta. Maging ang intentional vocal crack ng Filipino singer nang kantahin niyo ang pangalawang chorus.

Sinubukan pa nga niyang gayahin si Morissette ngunit hindi niya ito magawa.

“Did you hear it? I can’t even do it. I don’t know what she’s doing there. It drives me nuts. I wanna be able to do it but I can’t do this thing,” sey ni Tara.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

Humanga rin siya sa vocal prowess ng Pinay singer.

“Also, her vocal prowess aside from the weird cracky thing is amazing. She really knows how to create the arc of the song. She is perfectly in keeping with the vocal intensity that I will expect out of someone like her,” dagdag pa niya.

Kahit na Filipino ang kanta ay naramdaman naman ni Tara ang naging tema ng kanta ni Morissette.

“It’s something that’s kind of melancholy, sad, intense and traumatic,” sey ni Tara.

“For all of you, you want to know how to fall off a note, masterclass from Morissette. That was fall-off perfection. I loved it,” muling pagpuri ng singer-vocal coach.

Si Tara Simon ay isang singer at kilalang vocal coach sa Amerika. Sa katunayan, naging estudyante niya ang “America’s Got Talent” finalist na si Angelica Hale.

Samantala, ang kantang “Gusto Ko Nang Bumitaw” ay isinulat ni Jonathan Manalo na unang kinanta ni Sheryn Regis.

Nagkaroon ng version si Morissette na siyang ginamit bilang theme song ng Filipino adaptation ng Korean series na “The Broken Marriage Vow”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Morissette Amon, Dave Lamar kasal na!

Hugot ni Kim para sa sarili: We made it! Lahat ng prayers natin 15 years ago natupad na!

Hamon ng bagong calendar girl na si Sassa Gurl: Ano na Bea at Chie? Tara, shot puno, basagan! Chares!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending