‘Broken Marriage Vow’ nina Jodi Zanjoe, Sue itinaas ang level ng mga Pinoy teleserye; walang sampalan at sabunutan
NGAYONG Biyernes na, June 24, mapapanood ang pasabog na finale ng top-rated primetime series ng ABS-CBN na “The Broken Marriage Vow” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.
Ang pangako ng buong cast at ng direktor nitong si Andoy Ranay, talagang parating na ang pinaka-exciting part ng kuwento at siguradong hindi n’yo kakayanin ang magiging ending nito.
Ayon kay Direk Andoy, talagang ibinigay nila ang kanilang 100 percent sa Philippine adaptation ng hit 2015 British drama series na “Doctor Foster” at 2020 South Korean blockbuster drama na “The World of the Married”.
“The most exciting part talaga ay yung pagkukuwento mo bilang isang Pinoy fillmmaker. Dahil adaptation ito, ayaw mo siya gayahin.
View this post on Instagram
“Ayaw mong gayahin yung mga versions na napanood mo because hindi naman talaga puwedeng maging ganu’n, eh. Kasi iba yung kultura nila, iba yung nuances nu’ng mga artista.
“And also, the most exciting part really is this bunch of amazing, multi-talented actors na hindi na talaga kami nahirapan to direct them because they know to begin with kung ano yung mga characters nila, kung ano yung mga scenes na gagawin nila.
“Because we did this at the height of the pandemic and it was so difficult for us as filmmakers na i-workshop pa sila o sabihin pa sa kanila kung ano yung mga susunod na mga scenes to guide them.
“Sila na mismo meron silang mga ambag para mapaganda yung ginagawa naming project. Very collaborative,” dire-diretsong chika ng direktor tungkol sa magiging finale episode ng “The The Broken Marriage Vow”.
Feeling din ni Direk Andoy, may maiiwan silang legacy sa manonood pagkatapos ng serye, “I believe du’n sa pagtaas ng standard natin and to compete globally as Filipino filmmakers. Sa akin mas yun, eh.
“Kung dati ang inaabangan ng mga Filipino ay yung sampalan, dito wala ka namang makikitang nagsampalan, nagsabunutan na confrontation. Wala namang mga ganu’n, eh.
“But as a filmmaker o gumagawa ng mga teleserye, naiangat na natin at this point kung paano tayo nagkukuwento ng teleserye via a global brand that is Doctor Foster.
“So pagdating ngayon nakaka-stress din at nakaka-pressure din para sa susunod kasi kailangan mas maganda na rito or parang hindi na tayo puwede bumalik sa dati for us to compete globally and also to be recognized as well sa digital platform all over the world.
“Para hindi lang tayo sa buong Pilipinas lang, marami pa tayong audience na kailangan maabot. I guess yun yung pagtaas ng standard ng paggawa ng isang teleserye sa series natin,” paliwanag niya.
Kaya tutukan ang huling tatlong gabi ng “The Broken Marriage Vow” sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV at TV5.
https://bandera.inquirer.net/305184/jodi-na-broken-marriage-vow-din-sa-tunay-na-buhay-isa-yun-talaga-sa-pinaka-painful
https://bandera.inquirer.net/315410/payo-ni-zanjoe-sa-lahat-ng-naloko-huwag-ka-nang-maghiganti-huwag-mo-nang-dalhin-yun-sa-susunod-na-chapter-ng-buhay-mo
https://bandera.inquirer.net/311922/jodi-bumilib-sa-viral-content-creator-na-nag-impersonate-sa-mga-pasabog-na-eksena-sa-broken-marriage-vow
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.