Hugot ni Kim para sa sarili: We made it! Lahat ng prayers natin 15 years ago natupad na! | Bandera

Hugot ni Kim para sa sarili: We made it! Lahat ng prayers natin 15 years ago natupad na!

Ervin Santiago |May 02,2021
facebook
share this

Hugot ni Kim para sa sarili: We made it! Lahat ng prayers natin 15 years ago natupad na!

Ervin Santiago - May 02, 2021 - 02:46 PM

“HINDI naging madali pero di tayo bumitaw!” Yan ang mensahe ni Kim Chiu sa kanyang batang sarili 15 taon na ngayon ang nakararaan.

Ibinandera ng Kapamilya actress at TV host sa madlang pipol ang lahat ng bonggang pagbabago sa kanyang buhay mula noong maging housemate siya sa “Pinoy Big Brother” hanggang sa marating ang kinalalagyan niya ngayon sa mundo ng showbiz.

Sa selebrasyon ng kanyang birthday at 15th anniversary sa entertainment industry sa “It’s Showtime”, proud na proud na sinabi ni Kim na sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaanan niya, natupad na halos ang lahat ng pinapangarap lang niya noon.

“We made it. Lahat ng prayers natin 15 years ago, natupad na. Hindi naging madali pero di tayo bumitaw. 15 years ago, nabigyan tayo ng big break,” pagbabahagi ni Kim.

Aniya, may mga pagkakataon na tinatanong pa rin niya ang sarili kung paano niya napagtagumpayan ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay niya.

Partikular na nabanggit ng dalaga ang kanyang pagluluksa dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.

“Pero syempre hindi palaging sunny day. May mga challenges, nadapa. May mga pagbuhos ng luha.

“Pagkadapa, bangon ulit. Pagkaiyak, hingang malalim, then ngiti. Gusto kong sabihin sayo na yung simple dream natin na makita lang sa TV, naging inspirasyon na rin siya sa ibang tao,” pahayag pa ni Kim.

Siyempre, abot-langit din ang pasasalamat ni Kim sa lahat ng taong walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanya, lalo na ang mga hindi nang-iwan sa kanya noong down na down siya dahil sa natanggap na pamba-bash mula sa netizens.

Matatandaang naging national issue ang “bawal lumabas” statement ni Kim noong kasagsagan ng lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Napakaraming nam-bully sa kanya nang dahil sa sinabi niya tungkol sa ipinatutupad na safety protocols para labanan ang pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagbati pa ng dalaga sa kanyang sarili, “Happy birthday. Happy 15th years. Kapit ka lang. Sana proud ka sakin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending