Vina Morales nagbabalik Kapuso after 20 years, bibida sa bagong teleserye
BIBIDA sa isang comeback series ang batikang aktres at singer na si Vina Morales!
Ito ay matapos ang kanyang muling pagbabalik sa GMA network makalipas ang mahigit dalawang dekada.
Ang exciting news ay proud niyang ibinandera sa kanyang Instagram page.
Ang caption pa nga niya sa isang post, “GMA, I am thankful for today! Thank You God! To God be the glory!”
Baka Bet Mo: Vina Morales umaming super in love ngayon: ‘Inspired ako at kinikilig, tumitibok-tibok ang puso ko!’
View this post on Instagram
Sa hiwalay na post, proud naman niyang ibinandera ang ilang litrato mula sa story conference ng kanyang bagong proyekto.
Ang kanyang serye ay pinamagatang “Cruz vs. Cruz” na hango sa kwento ng tunay na buhay.
“Dalawang dekada na pala akong hindi nakapagtrabaho sa GMA. Last show ko noon ay ang musical variety show na ‘SOP,’” wika niya.
Pagbabahagi pa ni Vina, “Sa kanila po ako nag-umpisa, sa ‘That’s Entertainment’ ni Kuya Germs.”
“Excited po ako na umpisahan ang bago naming teleserye, ‘CRUZ vs. CRUZ,’ directed by Direk Gil Tejada, based on a true to life story,” patuloy ng singer.
Mensahe pa niya, “Thank you sa warm welcome, mga Kapuso.”
Kasunod niyan, lubos din niyang pinasalamatan ang talent management company na Star Magic dahil sa ibinigay na suporta.
“To God be the glory,” aniya pa.
View this post on Instagram
Wala pang detalye sa proyekto ni Vina, pero ang mga makakasama niya ay sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Gilleth Sandico, Pancho Magno, Kristoffer Martin, Lexi Gonzales, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.