Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God's perfect time | Bandera

Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God’s perfect time

Therese Arceo |August 18,2023
facebook
share this

Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God’s perfect time

Therese Arceo - August 18, 2023 - 03:51 PM

Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God's perfect time

AMINADO ang singer-actress na si Vina Morales na kahit na hindi na siya pabatacay naniniwala pa rin siya sa kasal.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Huwebes, August 17, natanong ang aktres kung naniniwala pa ba siya sa kasal.

“Ngayon ba sa buhay mo, naniniwala ka pa sa kasal?” tanong ni Boy kay Vina.

Napaisip muna saglit ang aktres bago tuluyang sumagot.

“Wow. What a question. Dadating ba ako diyan? Ang tanong,” natatawang sagot ni Vina.

Pagseseryo naman ng aktres, “That’s what I’ve been praying for. That’s in my prayer, at kung mangyari ‘yun, sa bucket list, another check sa love life naman.”

Baka Bet Mo: Vina Morales may ka-date na foreigner sa Boracay, natagpuan na nga ba ang kanyang ‘the one’?

Aniya, bagamat naniniwala at dinarasal niyang ikasal ay hindi naman siya nagmamadali.

“For now, I’m just taking it easy. In God’s time. In God’s perfect time. I always believe na there’s always someone out there for me, the right one. Ayoko nang ipilit,” lahad ni Vina.

Natanong rin ang aktres kung naniniwala ito sa marriage.

“Yes, I always believe in marriage. For me, that’s a God’s blessing,” sagot naman ni Vina.

Sa ngayon ay naka-focus si Vina sa kanyang nag-iisang anak na si Ceana sa ex-partner niyang si Cedric Lee.

Natanong rin siya kung ano ang maipapayo niya kay Ceana ba siyang ikinatawa ng aktres dahil baka hindi siya ang “best person” para magbigay payo sa anak.

““But I will be there to guide her whatever decision she has. Syempre—’wag naman sana magkakamali—’yung mga mistakes ko sa buhay, hindi mangyari sa buhay niya,” Morales said. “‘Yung mga decision ko sa buhay, sana in a better way [‘yung sa kanya] so that she will have a better life,” ani Vina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vina umaming happy ang lovelife: May nagpapasaya naman sa akin ng konti…

Vina proud sa pagtatapos ng anak sa elementarya: Never stop learning and always give your best!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending