Vina proud sa pagtatapos ng anak sa elementarya: Never stop learning and always give your best!
Vina Morales at Ceana
PROUD na proud na ibinandera ng singer-actress na si Vina Morales na nag-graduate na ng elementary school ang nag-iisa niyang anak na si Ceana.
Ibinahagi ito ni Vina sa kanyang fans at social media followers sa pamamagitan ng Instagram kung saan sinabi nga niya kung gaano siya kasaya at ka-proud sa latest achievement ng anak.
“Happy graduation anak @ceana_ml. I am very proud of you anak, you are entering Junior High now.
“As your mother, I am the happiest. Wishing you a very bright future. Always thankful to God for giving you in my life.
“I am the luckiest coz you have such a kind heart. I know that you will have a great future ahead of you. Never stop learning and always give your best. I love you anak,” ang caption na inilagay ng aktres sa mga litrato nila ng anak.
Nakapagtapos si Ceana ng elementary sa Victory Christian International School sa pamamagitan ng online classes. Sa kabila nga ng pandemya ay nagawa pa rin ng bagets na makapag-aral at maka-graduate.
Si Ceana ay anak ni Vina sa dati niyang businessman boyfriend na si Cedric Lee.
Kung matatandaan, nabanggit ng aktres at singer sa isang interview kung gaano kahirap ang maging single mom pero aniya walang katumbas na halaga ang kaligayahang nararamdaman niya kapag kasama si Ceana.
“Proud ako sa sarili ko. Ipinagmamalaki ko kasi lumalaki ‘yung anak ko nang mabuting bata. Happy ako at thankful ako maski ako lang mag-isa ang nagpapalaki sa anak ko.
“Thankful ako kasi napakasimple ng anak ko. Talagang hindi siya mareklamo. Nararamdaman naman niya na mahal na mahal ko siya at lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Siguro kuntento na siya,” pahayag ni Vina.
Aniya pa, isa sa pinakamahirap na bahagi ng pagiging single mother ay ang pagbabalanse ng kanyang panahon bilang nanay at bilang working mother.
“Siyempre nagtatrabaho din ako that time noong baby pa si Ceana. But then I’m really grateful and thankful sa family ko na kapag may trabaho ako ay may napag-iiwanan naman ako, sa kapatid ko, sa magulang ko.
“Thankful ako sa mga taong tumutulong sa akin kasi hindi ko kayang ma-isa,” ang pahayag pa ni Vina na isa na ring successful businesswoman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.