Nag-iisang anak ni Vina teenager na: I'm so proud and lucky to be able to call you my daughter! | Bandera

Nag-iisang anak ni Vina teenager na: I’m so proud and lucky to be able to call you my daughter!

Ervin Santiago |April 26,2022
facebook
share this

Nag-iisang anak ni Vina teenager na: I’m so proud and lucky to be able to call you my daughter!

Ervin Santiago - April 26, 2022 - 07:38 AM

Vina Morales at Ceana

TEENAGER na ang nag-iisang anak na babae ng actress-singer na si Vina Morales.

Kahapon, April 25, ipinagdiwang ni Ceana ang kanyang 13th birthday at sa kanyang message para sa dalagita, sinabi ni Vina na napakaswerte niya dahil nagkaroon siya ng napakabait na anak.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang aktres ng litrato nila ni Ceana together kalakip ang birthday wish niya para sa bagets.

“I am truly blessed to have such a special princess in my life! Happiest bday to you my baby girl @ceanamlee,” simulang mensahe  ni Vina sa anak nila ng dati niyang karelasyon na si Cedric Lee.

Pagpapatuloy pa niya, “I hope that life always brings you happiness, just as you deserve.

“You are the sweetest, kindest, most caring young person I know, and I am so proud and lucky to be able to call you my daughter!

“Now that you’re 13 years old, you will officially say goodbye to your childhood and will be considered a teenager.

“Welcome to the teenage world! I love you very much, mommy will always be here for you,” lahad pa ni Vina.

Sa isang interview, ibinandera ni Vina kung gaano siya ka-proud bilang single mom kay Ceana at kung gaano siya ka-thankful sa pagdating sa buhay niya ng dalagita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)


“Proud ako sa sarili ko. Pinagmamalaki ko kasi lumalaki ‘yung anak ko nang mabuting bata. Happy ako at thankful ako maski ako lang mag-isa ang nagpapalaki sa anak ko.

“Thankful ako kasi napakasimple ng anak ko. Talagang hindi siya mareklamo.

“Nararamdaman naman niya na mahal na mahal ko siya at lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Siguro kuntento na siya,” pahayag ni Vina.

Pero mabilis din niyang sinabi na hindi niya makakaya ang lahat ng responsibilidad niya bilang nanay kung wala ang mga taong pinagkakatiwalaan niya na tumutulong sa pagpapalaki kay Ceana.

“I’m really grateful and thankful sa family ko na kapag may trabaho ako ay may napag-iiwanan ako kay Ceana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa kapatid ko, sa magulang ko. Thankful ako sa mga taong tumutulong sa akin kasi hindi ko kayang mag-isa,” aniya pa.

Vina proud sa pagtatapos ng anak sa elementarya: Never stop learning and always give your best!

Vina umaming happy ang lovelife: May nagpapasaya naman sa akin ng konti…

Sharon nagbago ang isip sa pagre-retire sa showbiz: OK Lord, I guess you don’t want me to stop pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending