Sachzna Laparan happy na sa life ayon kay Ogie Diaz, naka-move on na kay Jerome Ponce? | Bandera

Sachzna Laparan happy na sa life ayon kay Ogie Diaz, naka-move on na kay Jerome Ponce?

Therese Arceo |April 12,2023
facebook
share this

Sachzna Laparan happy na sa life ayon kay Ogie Diaz, naka-move on na kay Jerome Ponce?

Therese Arceo - April 12, 2023 - 04:04 PM

Sachzna Laparan happy na sa life ayon kay Ogie Diaz, naka-move on na kay Jerome Ponce?
MATAPOS ang controversial vlog ng social media personality na si Sachzna Laparan ukol sa diumano’y break up nila ni Jerome Ponce, mukhang nasa moving on stage na ang dalaga.

Isa nga sa mga celebrities na naging tampok sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ang dalaga at ang viral clip mula sa vlog nito kung saan tinatanong niya ang sarili kung ano ang kulang sa kanya.

Bagamat walang sinabing dahilan si Sachzna sa kanyang matinding pinagdaraanan sa vlog ay batid ng netizens na ito ay dahil sa paghihiwalay nila ng aktor.

Ayon kay Ogie Diaz, nakausap raw niya ang dalaga matapos mag-trending at umani ng samu’t saring komento ang kanyang “Docuweek” vlog.

“Hiwalay na itong si Jerome Ponce at tsaka si Sachzna Laparan,” saad ni Mama Loi.

Sagot naman ni Ogie, “Ah, oo nga, naano ko nga. Jusko, nag-unfollow-an na sila sa IG. Dun mo talaga malalaman kung ang relasyon eh wala na. Parang ano ah, matindi yun pinagawayan nila kung ganun na nagtatanggalan kayo ng posts sa IG. Kasi kung tampuhan lang yan, kung tinapos niyo yun ng maayos, ang inyong relasyon, hindi kayo magtatanggalan. Ito talaga wakas, finale.”

Ayon sa pag-uusap nila ni Sachzna, humingi raw ng space si Jerome sa kanya at eventually nga ay nauwi sa paghihiwalay.

“Nanghingi raw ng space si Jerome, pero parang nagtuloy-tuloy na yung space na yun. Pero focus daw siya sa kanyang sarili nung una, tapos nagpa-party-party na raw si Jerome tas ayun,” chika ni Ogie.

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa ‘kin?

Kalaunan raw ay may mga nagse-send na kay Sachzna na mga litrato ng kanyang dyowa na may kasa-kasamang ibang babae.

Komento pa nila Ogie, may pagkakahawig sa vlogger ang babaeng naispatan kasama ang aktor.

Tinanong naman daw ng talent manager si Sachzna kung relieved na siya o kung mahal pa niya ang aktor.

“Sabi niya parang galit lang siya. Parang feeling kasi niya thst time, hindi niya deserve ‘yun. Infairness, happy na daw siya ngayon. Na-accept na raw niya,” paglalahad ni Ogie.

Sundot pa niya, noong mga panahong huningi raw ng space sa kanya si Jerome ay nag-focus ito sa kanyang sarili at walang ibang kinitang lalaki.

Almost two years rin ang naging relasyon nila Sachzna at Jerome na unang nasiwalat sa publiko nang batiin ng aktor ang dalaga noong May 2021 at tawagin itong “Nassib” na ibig sabihin ay fate o destiny.

Eventually ay inamin na rin nila ang kanilang relasyon at madalas nang magkasama sa mga vlogs at pranks na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Related Chika:
‘Katips’ lead cast na si Jerome Ponce nanood ng ‘Maid in Malacañang’, Darryl Yap nagpasalamat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sachzna Laparan ipina-Tulfo ang nagpakilalang pulis sa kanyang viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending