Mygz tawang-tawa sa mga banat ni Super Tekla; YT channel ni Jomar Lovena na-terminate | Bandera

Mygz tawang-tawa sa mga banat ni Super Tekla; YT channel ni Jomar Lovena na-terminate

Therese Arceo |October 07,2021
facebook
share this

Mygz tawang-tawa sa mga banat ni Super Tekla; YT channel ni Jomar Lovena na-terminate

Therese Arceo - October 07, 2021 - 03:53 PM

MULING magbabalik sa trabaho ang Kapuso actor na si Mygz Molino matapos ang matagal na pananahimik dahil sa pagkamatay ng rumored dyowa nitong si Mahal.

Makikita sa live video ni Super Tekla na tawang-tawa ang aktor sa mga banat ng komedyante.

Kuha ang live video habang inaayusan at naghihintay ang dalawa sa kanilang taping para sa isang show.

“Stressed lang talaga si Mygz,” saad ni Super Tekla kaya naman gumagawa ito ng paraan para kahit papaano ay mapagaan ang loob ng binata.

Biniro rin niya ito na parehas sila ng itsura noon ngunit nag-iba raw bigla ang mukha ni Tekla nang malingat siya saglit.

“Alam mo ngayon lang ako tumawa nang ganito ulit,” amin ni Mygz.

Agad namang niyaya ni Tekla ang kaibigan na pumunta sa kanilang lugar.

“Kapag may time ka, punta ka ng townhouse para doon tayo magtawanan, chikahan,” sey ni Super Tekla.

Marami sa mga netizens ang masaya na muling makita na kahit papaano ay nakakatawa na ang aktor matapos ang pinagdaanan nito nang mawala si Mahal.

Sey nila, for sure ay ito rin ang gusto ni Mahal para sa kaibigan kahit na hindi na siya pisikal na nakakasama ng aktor.

***

SOBRANG kalungkutan ang nadarama ng vlogger na si Jomar Lovena sa nangyari sa kaniyang YouTube account.

Wala na kasi ang mga vlogs niya at ang makikita na lang ay “This video is no longer available because the YouTube account associated with this video has been terminated.”

Bagamat wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Jomar ukol sa nangyaro ay hindi naman napigilan ng vlogger na maglabas ng hinaing sa pagka-terminate ng YT account.

“JUSKO NGAYON PA NANGYARI TO!” dismayadong saad ng vlogger sa kaniyang Facebook post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpaabot naman ng mensahe ng pagsuporta ang mga supporters ng vlogger. Maging ang mga ito ay nanghihinayang dahil kamakailan lang ay nanganak na ang partner nito at paniguradong kinakailangan nito ang pera na kinikita niya sa vlogs para tustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Naging maingay ang pangalan ng aktor matapos itong mag-trending dahil sa isang milyong utang nito sa isa pang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending