Sachzna Laparan may pa-free hug sa Taiwan, netizens nag-react: The design is very... | Bandera

Sachzna Laparan may pa-free hug sa Taiwan, netizens nag-react: The design is very…

Therese Arceo |April 13,2023
facebook
share this

Sachzna Laparan may pa-free hug sa Taiwan, netizens nag-react: The design is very…

Therese Arceo - April 13, 2023 - 09:33 PM

https://bandera.inquirer.net/298538/sachzna-laparan-tinakot-daw-ng-pulis-netizens-napa-react

INOKRAY ng mga netizens ang social media personality at entrepreneur na si Sachzna Laparan dahil sa ginawang “gimik” nito sa Taiwan.

Nasa ibang bansa kasi ang dalaga at kasalukuyang nagbabakasyon sa Taipei at naisipang magkaroon ng free hug campaign para sa mga taong tulad niyang may mga pinagdaraanan sa buhay.

Sa kanyang Faceboon page ay ibinahagi ni Sachzna ang six-minute video kung saan makikitang may mga random na taong lumalapit, yumayakap, at nagpapa-picture sa kanya.

“Free hug sa Taiwan!” saad niya sa caption.

Nagpa-antigen testing rin daw si Sachzna bago at pagkatapos ng ginawang libreng yakap para masiguro na rin ang kanyang safety.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang ginawa ng dalaga. May ilan na natuwa sa effort ng dalaga at mayroon namang mga naimbyerna sa ginawa niyang pakulo sa ibang lugar.

“Sending hugs ate, kitang-kita sa mata mo ate na sobrang happy mo!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Nakaka-touch ‘to… Sobrang makakatulong talaga sa isang tao ang isang yakap lalo na kung may pinagdadaanan ka. God Bless you miss flawless Sachzna Laparan.”

“HUHU SANA ALL NAKAHUG SAYO BUT I WAS HAPPY SEEING YOU SMILE AGAIN. ILOVEYOU SASHENG I HUG YOU WHEN I SEE YOU AGAIN. MWAAAA,” sey naman ng isang fan.

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan happy na sa life ayon kay Ogie Diaz, naka-move on na kay Jerome Ponce?

Ayon sa dalaga ay unang beses pa lang niyang ginawa ang free hig campaign at super happy siya sa kanyang experience.

“Ang sarap sa pakiramdam kasi feeling ko kailangan nila at alam ko, kailangan ko rin. Atleast, hindi lang ako yung nakakaramdam happiness,” saad ni Sachzna

Ngunit sa kabila ng mga positibong komento ay kapansin-pansin rin ang mga pang-ookray ng ibang netizens sa ginawa ng social media personality.

“Arte nito para sa content! Sa Quiapo ka or sa Tondo ka mag-free hugs tingnan ko lang kung kaya mo. Ang arte talaga nakaka-high blood!,” saad ng isang netizen.

Chika naman ng is sa ginawa ni Sachzna, “Arte nito para sa content! Sa Quiapo ka or sa Tondo ka mag-free hugs tingnan ko lang kung kaya mo. Ang arte talaga nakaka-high blood!”

“The design is very kacheapan at papansin,” hirit naman ng isa.

Wala pa namang pahayag si Sachzna hinggil sa usaping ito.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-viral ang isang vlip mula sa kanyang “Docuweek” vlog kung saan makikitang humahagulgol ang dalaga at kinukwestiyon ang sarili kung anong kulang sa kanila.

Bagamat walang sinabu ay marami sa mga netizens na ang dahilan ng pag-iyak ni Sachzna ay dahil hiwalay na sila ni Jerome Ponce.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa ‘kin?

Sachzna Laparan tinakot daw ng pulis; netizens napa-react

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending