Krissha Viaje may nakitang 'ulo' sa paanan habang nasa kama!

Krissha Viaje may nakitang ‘ulo’ sa paanan habang nasa kama!

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Krissha Viaje may nakitang ‘ulo’ sa paanan habang nasa kama!

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 06:00 AM

Krissha Viaje may nakitang 'ulo' sa paanan habang nasa kama!

Krissha Viaje

HINDING-HINDI makakalimutan ng Viva Artist Agency talent at ka-loveteam ni Jerome Ponce na si Krissha Viaje ang scary moment niya sa loob mismo ng kanyang kuwarto.

Naikuwento ng dalaga ang tungkol sa katatakutang experience niyang ito sa presscon ng “Sem Break”, ang bagong horror-romance series nila ni Jerome sa streaming app na Viva One.

“Nu’ng bata ako, meron kaming tinirahan somewhere in Quezon City,” simulang kuwento ng actress-singer.

“Two bedroom siya, sa isang bedroom ako, si mommy saka yung isang kapatid ko na lalaki. Tapos yung sa kabilang room, yung lola ko saka yung isang sister ko.

Baka Bet Mo: Jerome, Krissha ayaw madaliin ang pagiging magdyowa: Dahan-dahan lang

“Tapos yung sister ko, biglang tumakbo sa kuwarto namin, doon daw siya matutulog kasi natatakot daw siya,” patuloy niyang kuwento.

“E, ang sikip na namin, e, solo yung bed niya sa kuwarto ng lola ko, tig-isa sila ng lola ko. E, kami isang kama lang.

“So, sabi ko, ‘Sige du’n na lang ako matutulog sa kuwarto mo, ako na lang sa kama mo.’

“So, hindi ko alam kung anong oras na, naalimpungatan ako, nakakumot ako, nakita ko, nandu’n siya sa paanan ko,” chika pa ni Krissha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Krissha🤍 (@imkrisshav)


Ang naisip daw niya, lumipat ang kapatid niya at doon nga natulog sa kuwarto niya, “Buhok niya yung nakita ko, ‘Akala ko matutulog ito sa kabila? Lumipat pa dito, e, masikip na nga.’

“So natulog ako ulit. Paggising ko sa umaga, wala na naman siya du’n. Pumunta ako sa kabilang kuwarto kasi medyo kinabahan din ako.

“Kasi sure ako, e, may nakita akong ulo sa paanan ko,” nagtataka pang kuwento ni Krissha.

Pero nang tinanong daw niya ang kanyang sisteraka, sinabi nitong hindi ito lumipat sa kanilang kuwarto at hindi rin natulog sa tabi niya.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ellen sa tanong kung magaling si Derek sa kama: I wouldn’t marry him if he was bad in bed!

Nagtataka ring tanong ng kanyang sister, bakit daw may narinig siyang tumatawa sa loob ng kanilang bahay kahit tulog na silang lahat.

“Hindi ako matatakutin, e. So hindi ko naisip kung ano yung nakita ko nu’ng time na iyon,” sey pa ni Krissha.

Samantala, bukod kay Jerome, kasama rin sa “Sem Break” sina Aubrey Caraan, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Dani Zee, Rose Van Ginkel at Felix Roco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa direksiyon ni Roni Benaid, nagsimula na ang season premiere ng “Sem Break” sa Viva One last May 10.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending