Jerome, Krissha ayaw madaliin ang pagiging magdyowa

Jerome, Krissha ayaw madaliin ang pagiging magdyowa: Dahan-dahan lang

Ervin Santiago - March 04, 2024 - 08:22 AM

Jerome, Krissha ayaw madaliin ang pagiging magdyowa: Dahan-dahan lang

Krissha Viaje at Jerome Ponce

AYAW madaliin nina Jerome Ponce at Krissha Viaje ang pag-level up ng kanilang special friendship, lalo pa’t ngayon pa lang talagang umaariba ang kanilang loveteam.

Pumatok ang tambalan ng dalawang talents ng Viva Artists Agency (VAA) sa matagumpay na romantic series na “Safe Skies, Archer” na napapanood sa streaming site na VivaOne.

Dito nga nakilala nang bonggang-bongga ang kanilang loveteam na KrisshRome na talaga namang nagmarka sa mga manonood.

Baka Bet Mo: ‘Katips’ lead cast na si Jerome Ponce nanood ng ‘Maid in Malacañang’, Darryl Yap nagpasalamat

Nakachikahan namin at ng ilan pang members ng entertainment press ang magka-loveteam sa Viva Entertainment office sa Pasig City, last Thursday, February 29, at dito nga sila natanong kung ano na ba talaga ang real score sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerome Ponce (@mrjeromeponce)


In fairness naman kasi, halos lahat ng supporters ng kanilang digital series ay nagsi-ship na magkatuluyan din sila sa totoong buhay. So, true ba ang chika na may “something” na sila para sa isa’t isa.

Unang sumagot si Jerome, “Hindi pa namin napag-uusapan yung ganoon. And kung ako nga marunong maghintay, sana kayo rin.”

Sey naman ni Krissha, “For now, siyempre naka-focus po kami sa work namin. We don’t really talk about it but we’re enjoying each other’s company.”

Sabi pa ng aktor, mas naging close pa sila ni Krissha habang ginagawa nila ang “Safe Skies, Archer” at marami na rin silang natuklasan sa ugali at personality ng isa’t isa.

“Grabe yung comfortability namin sa isa’t isa. I mean, it takes one project ang isang magkatrabaho para sobrang comfortable sila.

“Sa mga hindi nakakaalam, nanggaling na po ako sa mga teleserye na sobrang tagal, taon, ilang buwan.

Baka Bet Mo: Barbie solid ang relasyon kay Diego; nailang sa pakikipag-love scene kay Jerome

“At iba yung feeling na more than one year kayong nagtatrabaho na parang akala ninyo, naglalaro na lang kayo at parang araw-araw, nagkukumustahan kayo,” pahayag ni Jerome.

Aniya pa, “Pero with Safe Skies, Archer, in less than six months, sobrang naging comfortable kami and alam niya kaagad kung ano yung do’s and don’t’s ko sa pagtatrabaho.

“Si Krissha yung tao na ine-explore pa lang niya yung acting, itong industriya, itong ibang side ng entertainment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Krissha🤍 (@imkrisshav)


“Nandoon kasi siya sa more on performing at dun ko nakita na sobrang naggo-grow pa siya lalo,” pahayag ng binata.

Nailang naman si Krissha nu’ng mga unang araw ng shooting nila para sa “Safe Skies, Archer”, “Mabilis katrabaho si Jerome.

“Siguro sa mga unang pagkikita namin, medyo may konting awkwardness pero mabilis kaming nag-jibe for some reason.

“Nagkuwentuhan kami agad para mas maging komportable kami sa isa’t isa tapos may nakita kaming common grounds, and from there, we connected.

“Ilang beses ko nang nasabi sa mga interbyu na he’s very generous, hindi lang sa pagiging actor. As a person, he’s generous with his family, with his friends, sa akin,” sabi pa ng dalaga.

Sa panayam naman ni Luis Manzano kay Jerome, natanong din siya ng, “Ano ba? May something ba?”

“Well, yeah, napag-uusapan naman namin ‘yan. Syempre hindi pwedeng hindi. May mga bagay din kasi kaming tina-tackle. Even before na pumasok kami sa ganitong klaseng love team and ganitong klaseng work,” ang tugon ni Jerome.

“Pero, you know, mas masaya kami ng kung ano ‘yon mayroon sa amin na nasa amin lang. Kasi once na i-reveal namin sa mga tao, mag-eexpect sila. Magiging masaya sila.

“Tapos kapag alam na nila, nakita na nila na kung saan sila masaya, mag-e-expect pa lalo. So, ang mangyayari niyan, hihigitan pa nilang lalo ‘yong ine-expect sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So kami naman, tataas kami sa level na ine-expect nila imbes na pwede naman kaming dahan-dahan,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending