Barbie solid ang relasyon kay Diego; nailang sa pakikipag-love scene kay Jerome | Bandera

Barbie solid ang relasyon kay Diego; nailang sa pakikipag-love scene kay Jerome

Ervin Santiago |September 02,2021
facebook
share this

Barbie solid ang relasyon kay Diego; nailang sa pakikipag-love scene kay Jerome

Ervin Santiago - September 02, 2021 - 08:53 AM

Diego Loyzaga, Barbie Imperial at Jerome Ponce

SOLID na solid ang relasyon ngayon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa kabila nga ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Kuwento ng Kapamilya actress, balanseng-balanse ang takbo ng kanyang showbiz career ngayon at ng kanyang lovelife kaya naman wala na raw siyang mahihiling pa.

Pareho silang nabibigyan ng magagandang trabaho ni Diego kahit na may pandemya at sa katunayan, bibida na sila very soon sa kauna-unahan nilang pelikula under Viva Films.

Sey ni Barbie, kahit na medyo busy sila sa pagtatrabaho, sinisiguro nila ni Diego na palagi silang nag-uusap sa pamamagitan ng video call para magpalitan ng updates tungkol sa mga nangyayari sa buhay nila.

“Pero ngayon naman, wala akong taping ngayon, next month pa. Madalas naman kaming magkita,” sabi ni Barbie sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang project, ang second season ng iWantTFC digital anthology na “Click, Like, Share.”

Nabanggit ng dalaga na masaya rin siya dahil close na rin siya sa mga kapatid ni Diego, kabilang na ang mga sister ng aktor sa tatay niyang si Cesar Montano (tatlong anak na babae ng aktres na si Sunshine Cruz).

“I think even before pa si Ate Sunshine kasi mommy ko siya sa ‘Bagong Umaga’ parang ang ganda lang ng timing na kapatid din ni Diego ang mga anak ni Ate Sunshine,” chika ni Barbie.

Samantala, inamin ng young actress na may ilang factor nang gawin niya ang ilang daring scenes kasama ang aktor na si Jerome Ponce sa episode ng “Click, Like, Share” na “I Found.”

Iikot ang kuwento nito sa dalawang matalik na magkaibigan na nasira ang relasyon dahil sa isang dating app. 

“Ipakikita sa episode namin kung ano ang mga puwedeng mangyari kapag nasobrahan ka sa dating app at kung ano ‘yung consequences ng mga maling gagawin mo sa dating app,” chika ni Barbie.

May love scenes sila rito ni Jerome na talagang medyo awkward sa kanya, “Kasi magkaibigan talaga kami. As in close talaga kami. Makikita naman sa trailer, ‘yung may bed scenes ganyan. 

“Parang nakakailang lang kapag kaibigan mo, kapag tropa mo ‘yung kaganoon mo. Parang kaming dalawa, nakakailang din talaga, sa totoo lang talaga,” aniya.

“Noong pinitch siya sa akin, ang wild ng story. Ang ganda kasi ng story. Ang ganda ng pagkasulat. At higit sa lahat na-excite talaga ako na si Direk Manny Palo ‘yung director. 

“Ang tagal ko na po siyang gustong makatrabaho. Siya ‘yung director para sa akin na isang araw ko lang siyang nakasama, nakatrabaho, pero ang dami kong natutunan sa isang buong araw.

“So isa rin yung ‘Click, Like, Share’ na episode namin na isa sa pinakagusto kong trabaho na ginawa ko. Kasi parang first time ko pumunta sa isang taping na grabe ang kaba ko.

“Sobrang kinakabahan ako. Parang napi-pressure ako kay Direk Manny Palo, kasi siyempre ang galing niya, parang gusto ko ring mag-make ng mark na hindi ako hassle katrabaho. Okay ‘yung taping day namin na ‘yon, masaya,” kuwento pa ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na simula Sept. 3 ang ikalawang season ng “Clike, Like, Share” sa iWantTFC app, 8 p.m.. Bukod kina Jerome at Barbie, may episode rin dito sina Tony Labrusca at Maymay Entrata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending