Barbie nabahala sa ina na binaha sa Albay

Barbie nabahala sa ina na binaha sa Albay; patuloy ang donation drive

Pauline del Rosario - October 25, 2024 - 12:18 PM

Barbie nabahala sa ina na binaha sa Albay; patuloy ang donation drive

PHOTO: Instagram/@msbarbieimperial

TODO ang pag-aalala ni Barbie Imperial sa kanyang ina at ilang mga kamag-anak na nasa Legazpi, Albay.

Ayon kasi sa kanya, naranasan nila ang hagupit ng bagyong Kristine at binaha rin ang lugar.

“Yung iba kong mga auntie sobrang binaha na ‘yung mga bahay nila,” kwento niya.

Patuloy ng aktres, “‘Yung mom ko actually, nandoon. Mag-isa lang siya kaya medyo kinakabahan talaga ako for her kasi wala talaga siyang kasama.”

Sa ngayon daw ay safe na ang kanyang ina at nasa mabuting kalagayan na.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial pumalag sa fake news, hindi buntis kay Richard

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na okay ang nanay ko, pero of course, I feel bad for all my kababayan,” aniya sa panayam.

Samantala, ibinandera ni Barbie sa Facebook ang latest update ng nakalap niyang donasyon para sa mga Bicolano na biktima ng bagyo.

“Php 81,896 na po ang nalikom naming pera para sa mga kababayan nating Bicolano,” anunsyo ng aktres.

Chika niya, “Bibilhin po namin ito ng mga pagkain, bigas, de lata, at iba pang mga pangangailangan. Magsisimula na po kami mag repack bukas para maiabot natin agad ang tulong. Maraming salamat po sa mga nag donate. Diyos Mabalos!”

Barbie nabahala sa ina na binaha sa Albay; patuloy ang donation drive

May post din si Barbie na ipinapakita ang relief goods na handa nang maipamigay sa mga apektadong pamilya.

Barbie nabahala sa ina na binaha sa Albay; patuloy ang donation drive

PHOTO: Instagram Story/@msbarbieimperial

Magugunitang kahapon, October 24, lamang nang i-post ni Barbie ang tungkol sa fundraising initiative.

Kalakip niyan ang art card na ipinapakita ang impormasyon para sa mga nais mag-donate at makatulong sa mga apektadong lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

“Nakakalungkot isipin ang pinsalang dulot ng Bagyong Kristine. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at kailangan nila ang ating tulong,” bungad niya sa Instagram post.

Caption pa niya, “Sama-sama tayong bumangon. Mahal kong Bicol, andito po ako para sainyo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending