Bagyo posibleng pumasok sa bansa anumang oras

Bagyo posibleng pumasok sa bansa anumang oras ngayong araw (Dec. 22)

Pauline del Rosario - December 22, 2024 - 10:11 AM

Bagyo posibleng pumasok sa bansa anumang oras ngayong araw (Dec. 22)

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

ABISO mga, ka-BANDERA! Maghanda na anytime dahil posibleng may pumasok na bagyo sa ating bansa ngayong araw, December 22.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasalukuyan nilang binabantayan ang isang Tropical Depression na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay nasa layong 620 kilometers timog ng Kalayaan, Palawan.

Ang taglay nitong hangin ay 55 kilometers per hour at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Baka Bet Mo: Gardo Versoza miss na miss na si Jaclyn Jose: Dalaw ka sa akin anytime!

Ang kilos nito ay papuntang hilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.

“Kung sakali nga na pumasok ito ng ating PAR…papangalanan natin itong Bagyong Romina [na] kung sakali ito ang panglabing-walong bagyo sa loob ng ating bansa ngayong taong 2024,” sey ni Weather Specialist Obet Badrina sa isang pressbriefing na ibinandera sa Facebook kaninang umaga.

Dahil sa “trough” o buntot ng bagyo, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

May panaka-nakang pag-ulan naman sa nalalabing bahagi ng Mindanao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May epekto rin sa bansa ang Shear Line na nagpapaulan sa Visayas, Bicol Region, CALABARZON, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Dinagat Islands.

Dahil naman sa Northeast Monsoon o Amihan, mararanasan naman ang Cloudy skies with rains sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending