Luis Manzano naloka kay Jerome Ponce: Dati kang tuko?

Luis Manzano naloka kay Jerome Ponce: Dati kang tuko?

Therese Arceo |February 28,2024
facebook
share this

Luis Manzano naloka kay Jerome Ponce: Dati kang tuko?

Therese Arceo - February 28, 2024 - 11:13 PM

Luis Manzano naloka kay Jerome Ponce: Dati kang tuko?

HINDI napigilan ng TV host-vlogger na si Luis Manzano na pansinin ang kakaiba sa dila ng aktor na si Jerome Ponce.

Si Jerome at ang ka-love team nitong si Krissha Viaje ang guest sa latest episode ng kanyang vlog na uploaded kahapon, February 27, napag-usapan nilang tatlo ang kanilang love team na nagsimula nang magtambal sila sa isang pelikula.

Natanong nga ni Luis kung may moment ba na nagkaroon na sila ng matinding misunderstanding.

Sagot ng dalawa, nagkaroon na raw ng pagkakataon na nagkatampuhan sila habang ginagawa ang pelikula.

Ngunit habang inaantay ni Luis ang sagot ng nina Krissha at Jerome ay may kakaibang napansin ang TV host sa aktor.

“Alam mo Jerome, kinakabahan ako sa labas ng dila mo,” sabi ni Lucky sabay gaya sa ginawa ng young actor.

Baka Bet Mo: Luis Manzano utang kina Ate Vi at Edu ang bonggang showbiz career, may hiling sa pagiging tatay ni Baby Peanut

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy pa ni Luis, “Dati ka bang tuko? May sariling buhay ‘yang dila mo.”

Natawa naman sina Jerome at Krissha sa sinabi ni Lucky sa kanya.

Muli namang ibinalik ni Luis ang usapan at tinanong kung ano ang nangyari at nagkaroon sila ng tampuhan.

“Mayroong time noon sa set as in normal lang, wala akong energy […] nagbabasa ako ng script tapos hindi ako mapakali. Minsan tatahimik lang ako,” pagbabahagi ni Jerome.

Ang hindi alam ni Krissha ay nag-i-internalize lang siya noong mga panahon na yun para sa kanilang heavy scene kaya siya tahimik

Nagtampo raw kasi si Krissha dahil akala niya ayaw lang siyang pansinin o kausapin ni Jerome.

“Kasi ako, gusto ko, kailangan may connection kami bago kami [mag-take] ng scene. Siya gusto niya mag-isa siya. Magkaiba kami ng process,” pagbabahagi ng dalaga kay Luis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli naman ay napag-usapan nila ito at naayos rin nila.

Chika ni Luis, naiintindihan niya si Jerome dahil ganoon rin daw siya kapag may heavy scenes siyang gagawin.

Sina Jerome at Krissha ay bida ngayon sa book adaptation ng “Safe Skies, Archer”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending