Luis Manzano naloka sa video ng lalaking rumarampa habang naka-high heels: Hindi po ako 'yan!!! | Bandera

Luis Manzano naloka sa video ng lalaking rumarampa habang naka-high heels: Hindi po ako ‘yan!!!

Therese Arceo |September 15,2023
facebook
share this

Luis Manzano naloka sa video ng lalaking rumarampa habang naka-high heels: Hindi po ako ‘yan!!!

Therese Arceo - September 15, 2023 - 06:19 PM

Luis Manzano naloka sa video ng lalaking rumarampa habang naka-high heels: Hindi po ako 'yan!!!

TAWANG-TAWA ang mga netizens sa kwelang hirit ng TV host-actor na si Luis Manzano sa isang video ng lalaki habang rumarampa ng naka-high heels.

Sa katunayan, ibinahagi pa nga niya ito sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, Setyembre 14.

Makikita sa naturang video ang lalaking nakatalikod na tumatawid sa kalsada habang naka-short shorts at high heels. Sa unang tingin ay aakalain mong si Luis ang lalaki dahil sa pagkakahawig ng kanilang tindig.

“Hindi po ako yan!!!” saad agad ni Luis.

Pagpapatuloy niya pa, “Teka… di ko na rin alam, baka nga ako yan [emojis]”

Agad namang bumenta sa madlang pipol ang post ni Luis at maging ang mga kaibigan nito sa industriya ay napa-comment.

Baka Bet Mo: Luis ‘naasar’ nang mabigkas ni Baby Peanut ang ‘baba’: Pakisabihan na kilalanin niya ang binabangga niya’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“HAHAHAHAHA! Nice voots, mamacita! [fire emoji],” saad ng singer na si Geneva Cruz.

Comment naman ni Alora Sasam kay Luis, “Sa presinto ka po magpaliwanag [laughing emoji],” komento naman ng aktres na si Alora Sasam.

Sey naman ng isang netizen, “HAHAHAHHAHAHAHAHA hay @luckymanzano mabuti nalng pinanganak ka! dami mong napapasayang tao.”

“No matter how many times you repost this, namamatay parin ako [laughing emoji],” hirit pa ng isang netizen kay Luis.

Bago pa ito ay may ibinahagi na rin ang anak nina Edu at Vilma na video ng lalaking sumasayaw sa mga kumakain sa isang restaurant sa Thailand.

“Hindi ako ‘yan. Sa lahat ng mga nagsasabing… Saan n’yo ba nakukuha ‘yung mga ganito? Hindi ako ‘yan,” saad ni Luis sabay gaya sa lalaki sa video.

“Malinaw na hindi ako ‘yan. Tama na. Sobra na sa feelings and emotions. Respect please ,” birong dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Luis Manzano may ‘trivia’ kung ilan ang nagsimula ng ‘Eat Bulaga’, Anne Curtis nadamay?

Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie, sey ni Jessy Mendiola: Nanghihingi ng saklolo si Peanut!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending