Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie

Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie, sey ni Jessy Mendiola: Nanghihingi ng saklolo si Peanut!

Pauline del Rosario |June 24,2023
facebook
share this

Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie, sey ni Jessy Mendiola: Nanghihingi ng saklolo si Peanut!

Pauline del Rosario - June 24, 2023 - 12:33 PM

Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie, sey ni Jessy Mendiola: Nanghihingi ng saklolo si Peanut!

PHOTO: Instagram/@luckymanzano

MARAMI ang naaliw at napatawa sa latest social media post ng TV host-actor na si Luis Manzano habang ka-bonding ang anak na si Isabella Rose o Baby Rosie.

Sa Facebook, ibinandera ng aktor ang isang video na makikitang karga-karga ang baby nila ni Jessy Mendiola at kinakantahan pa ng kanyang bersyon ng “A Whole New World.” 

Kwelang caption pa ng TV host, “Sa vocal skills ko dito, kinuha ko yung songs sa key of F, using 3/4 baritone 1/4 vibrato.”

Aniya pa, “Unlike conventional singers using the diaphragm, for this one I used the gallbladder. Enjoy.”

Bukod sa Disney song, kinanta rin ni Luis ang ilang awitin mula sa educational TV show na “Batibot” –ang “Laklak” at “Si Puti.” 

Baka Bet Mo: Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Napa-comment naman diyan si Jessy at sabay sabing tila nanghihingi ng saklolo sa kanya ang anak.

“Tumitingin sakin [si Peanut], nanghihingi ng saklolo,” komento ng aktres.

Saad pa niya, “Sabi niya ‘Mama, please make it stop.”

Ibinandera rin ni Luis ang nasabing video sa kanyang Instagram page na kung saan ay nagkomento naman ang kanyang ina na batikang aktres na si Vilma Santos.

Sey ni Vilma, “Anak, stop singing! Naiiyak na Peanut! Ang sad na ng face! Love you Peanut!”

Maraming netizens din ang naaliw sa post ng aktor at tila sinakyan ang kwelang video with Baby Rosie.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Sa next song, pancreas naman ang gamitin para ma-check alin mas okay hahaha!”

“‘Yung tipong walang magawa si Peanut dahil ama niya si Luis hehe [laughing face emoji] hehe.”

“Awww…so sorry little Peanut! Your innocent ears should not hear such voice! [laughing face emoji].”

Matatandaang taong 2021 nang ikinasal sina Luis at Jessy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang isang taon ay biniyayaan sila ng magandang anak na si Rosie.

Related Chika:

Regine Tolentino enjoy na enjoy bilang padede mom; Mikael shookt sa sandwich na libu-libo ang presyo

Jhong Hilario ibinandera ang first day ni Sarina sa gym, netizens aliw na aliw: ‘Galing galing naman ni Sari’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending