Jerome Ponce nag-‘sorry’ kay Aiko Melendez

Jerome Ponce nag-‘sorry’ kay Aiko Melendez matapos patamaan sa pa-blind item: It’s just a misunderstanding

Pauline del Rosario |October 30,2023
facebook
share this

Jerome Ponce nag-‘sorry’ kay Aiko Melendez matapos patamaan sa pa-blind item: It’s just a misunderstanding

Pauline del Rosario - October 30, 2023 - 11:20 AM
Jerome Ponce nag-‘sorry’ kay Aiko Melendez matapos patamaan sa pa-blind item: It’s just a misunderstanding
Jerome Ponce, Aiko Melendez

“I’M sorry if that’s how she felt.”

‘Yan ang sinabi ng aktor na si Jerome Ponce matapos siyang tanungin sa isang press conference tungkol sa patamang Facebook post ng actress-politician na si Aiko Melendez.

Kung maaalala, noong nakaraang buwan ay nag-post si Aiko kung saan idinaan niya sa isang bling item ang kanyang galit sa isang aktor na may inisyal na “JP.”

Heto ang nakalahad sa buradong post ng konsehala:

“Dios mio, JP … ‘wag ka masyado mayabang. Wala ka pa napapatunayan sa industriya para maging mayabang. Lord, turuan n’yo naman itong bagets na ‘to na matutong makisama. ‘Di porke’t bida ka, attitude ka. Very wrong! Seminar ka muna para maging mabait ka.”

Baka Bet Mo: Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen

Mabilis na kumalat ang post na ‘yan ng batikang aktres at marami na rin ang nakahula na si Jerome Ponce ang tinutukoy na JP sa kanyang blind item.

Ang nabanggit na aktor ang kasama ng kanyang anak na si Andre Yllana sa upcoming Viva One series na may titulong “Safe Skies, Archer.”

Anyway, sinabi nga ni Jerome sa presscon ng nasabing proyekto na mukhang nagkaroon lang ng “misunderstanding” o hindi pagkakaintindihan.

“Baka siguro pangit talaga ugali ko … Or maybe I’m antipatiko,” pagbibiro niyang sagot.

Pero ang seryoso niyang sagot ay wala naman daw siyang kaaway o problema sa iba.

“I don’t have a problem with anyone. I guess it’s just a misunderstanding,” sey ng aktor.

Paliwanag pa niya, “Perhaps I can come across as a snob at first, but you know me… I mean you guys can approach me.”

Sa huli ay muling humingi ng paumanhin si Jerome kay Aiko.

“Kung saan man nanggaling, I’m sorry… Miss Aiko knows people who know me,” sambit niya.

Nabanggit din ng binata na maayos naman ang relasyon nila ng anak ni Aiko sa trabaho kaya nagulat din daw siya sa naging post ng konsehala.

“OK na OK kami. I was just surprised where that came from. I think it was just first impression,” ani ni Jerome.

Related Chika:

Bea Alonzo inaming nagkasamaan sila ng loob ni Alden Richards, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie solid ang relasyon kay Diego; nailang sa pakikipag-love scene kay Jerome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending