Jerome Ponce, Krissha Viaje parehong single, posibleng magkainlaban dahil sa ‘Safe Skies, Archer’ ng Viva One
HINDI imposibleng magkainlaban ang magka-loveteam na sina Jerome Ponce at Krissha Viaje dahil pareho naman nilang inamin na single na single sila ngayon.
Bida ang dalawa sa Viva One Original Series na “Safe Skies, Archer”, ang ikalawang kuwento sa screen adaptation ng best-selling novel ni Gwy Saludes at mula sa kanyang university series book.
Ito ang kapalit ng “The Rain in España” kung saan bumida naman ang rumored celebrity couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo na napanood sa streaming site na Viva One at sa TV5.
View this post on Instagram
Super thankful sina Jerome at Krissha kina Marco at Heaven dahil sa todong suporta na ibinigay ng mga ito sa kanila pati na rin ng iba pang cast members ng “The Rain In España” na kasama pa rin nila sa “Safe Skies, Archer.”
“It’s an honor, magaling talaga na aktor si Jerome. Hindi naman ako masyadong nahirapan.
“Nu’ng chemistry test pa lang namin, hindi ako nahirapan na ibigay yung karakter ni Yanna. Madali lang talaga na makipagbatuhan ng lines kay Jerome. Parang natulungan pa niya ako, very generous actor.
“Nae-enjoy ko po yung company ni Jerome. Nagha-hang out kami para mas magkaroon kami ng connection. Marami po akong natutunan mula sa kanya every day,” ang pahayag ni Krissha sa presscon ng “Safe Skies, Archer” kamakailan.
Baka Bet Mo: Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen
Sey naman ni Jerome, “Working with Krissha sobrang saya kasi talagang nabuhay niya yung karakter na galing sa libro.
“The fact na kababasa ko lang nung libro habang isinasa-tao ko yung karakter ni Hiro. Off-cam naman, okey na okey na kasama si Krissha,” aniya pa.
Nang matanong si Krissha kung may dyowa siya sa ngayon, “Single po ako ngayon. I just got out of a relationship, long distance relationship.”
“I am single,” ang sey naman ni Jerome na sinundan ng malakas ng sigawan mula sa mga fans na imbitado rin sa presscon.
Nagpahaging naman si Jerome na hindi imposibleng mag-level up ang friendship nila Krissha habang ginagawa ang “Safe Skies, Archer.”
Samantala, buhay na buhay pa rin University Series fever! Matapos ang massive success ng “The Rain in España”, magpapatuloy ang journey ng paborito niyong barkada at may ipapakilalang bagong mga bida na siguradong aabangan at bagong love story na susubaybayan ng lahat.
Fasten your seatbelts, dahil lilipad na ang “Safe Skies, Archer” sa Viva One ngayong November.
Matapos ang successful cast reveal ng “Safe Skies, Archer,” patuloy ang pagpapakita ng suporta ng University Series fans sa UNIVERKADA na kinabibilangan nga nina Heaven Peralejo bilang Luna, Marco Gallo bilang Kalix, Bea Binene bilang Via, Gab Lagman bilang Sevi, Aubrey Caraan bilang Sam, Nicole Omillo bilang Kierra, Frost Sandoval bilang Leo, Andre Yllana bilang Adonis, at si Krissha Viaje bilang Yanna. Mas lalaki pa ang barkada sa pagdating nina Hyacinth Callado bilang Elyse, Jairus Aquino bilang Shan at Jerome Ponce na gaganap bilang Hiro.
Ipakikilala rin sa series ang up-and-coming child actress na si Dani Zee na gaganap naman bilang Avi.
Sa second book ng University Series ni Gwy Saludes na meron nang mahigit 610 million reads sa Wattpad, bibida ang love story nina Yanna, isang sexually empowered tourism student, at Hiro, ang dashing young pilot at mechanical engineering student.
View this post on Instagram
Ang no-strings attached relationship nila ang siya ring magiging dahilan sa pagkadurog ng puso ni Yanna. Unti-unti siyang mahuhulog kay Hiro kahit na alam niyang hindi magtatagal ang kanilang relasyon dahil sa plano ng binata na tuparin ang kanyang pangarap na maging piloto sa Florida, USA.
Baka Bet Mo: Barbie solid ang relasyon kay Diego; nailang sa pakikipag-love scene kay Jerome
Sa lahat ng hirap, pagod, at pagkasawi sa pag-ibig, masasandalan ni Yanna ang kanyang pamilya at barkada, lalo na si Sam. Sila ang magiging support system ni Yanna para muling makabangon at maging mabuting ina kay Avi, ang anak nila ni Hiro.
After five years, kung kailan matured at mga professionals na, muli silang magkikita, at mari-realize rin nila na hindi pa sila nakaka-move on sa isa’t isa. May chance na kaya silang mabuo at maging masayang pamilya?
Ang “Safe Skies, Archer” ay mula sa direksyon ng young box-office director na si Gino Santos, na nakilala sa kanyang mga hit movies na “Ex With Benefits” at “Love Me Tomorrow” at ang katatapos lang na youth series na “Teen Clash.”
Ngayong November, dadalhin kayo sa alapaap ng love story nina Yanna at Hiro, soon on Viva One. Mayroon ding exclusive sneak peek para sa preparations ng exciting series na ‘to, ang one-hour docu-special na “READY FOR TAKEOFF: THE ROAD TO ‘SAFE SKIES, ARCHER” ay mapapanood na sa Viva One.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.