Jerome Ponce sa viral nude photo: Kung malaki, ako ‘yun…joke!
NAGSALITA na ang Kapamilya actor na si Jerome Ponce tungkol sa kanyang viral nude photo na pinagpipiyestahan ngayon ng mga bading sa social media.
Sa nasabing litrato, makikita ang isang lalaki na hubo’t hubad pero hindi masyadong kita ang mukha. Ayon sa mga netizens na nakakita ng photo, kamukha ito ni Jerome.
Sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ni Jerome sa Regal Films na “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love”, natawa lang ang binata nang matanong siya tungkol dito.
Biro ni Jerome sa ilang members ng press, “Pag malaki, akin yun, pero pag ano…joke lang. Ha-hahaha!”
“Ever since naman, tinatanong… laging nagsasabi sa akin na, ‘Uy, may lumabas daw…’ ‘Ha?!’ Iniisip ko, hawak ko ba ang phone ko habang nasa CR ako? Parang wala.
“So, confident ako. Alam ko sa sarili na hindi ako maganu’n.Sure na sure ako.
“Kung meron man… e, di akin na yun. Pinipilit, e, di akin na lang. Hindi talaga, e. May nagsabi sa akin, almost yearly, may mga ganyan, e.
“Sigurado naman ako. Phone ko nga, wala, bakit magkakaroon pa sa internet. Hindi ako ganu’ng klaseng tao,” lahad ni Jerome.
Sey ng aktor, hindi naman siya affected sa nasabing issue, mas apektado pa nga raw siya sa mga ipinagawa sa kanya ni Direk Jason Paul Laxamana sa “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” kung saan gumaganap siyang bading. Ang hunk model-actor na si Anjo Damiles ang partner niya rito.
Matinding challenge ang pinagdaanan niya sa movie na hindi niya akalaing magagawa niya.
“Natakot talaga ako dahil baka hindi ko magawa nang tama, na baka may ma-offend akong mga friends natin sa LGBT. Ang dami kong nilunok dito, paninibago, e. Hindi ko kinaya pero masarap din na nagawa ko yun,” sey pa ng Kapamilya actor.
***
“Can you change the world through love, or will the world change you?” Yan ang sasagutin ng “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” na isinulat at idinirek ni Jason Paul Laxamana.
Sesentro ang kuwento nito sa five main characters: sina Kurt (Tony Labrusca) Maan (Jane Oineza) Denzel (Jerome Ponce), Hadji (Albie Casiño) at Juna Mae (Myrtle Sarossa) na nagre-represent ng iba’t ibang uri ng kabataan ngayon.
Sa trailer pa lang ng movie ay talagang na-excite na ang fans ng mga bida, kaya naman umabot na ito sa nine million views sa Facebook at umabot na sa 90,000 shares.
Sabi nga ng mga stars ng pelikula, hinding-hindi kayo magsisisi at manghihinayang sa ibabayad n’yo sa “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” at siguradong lahat ay makaka-relate sa bawat character ng kuwento.
In the movie, Jane plays the role of Ma-an, a vlogger, competitive, and who advocates empowered women while Jerome portrays Denzel, isang openly confident gay and successful restaurant owner.
Samantala, gaganap naman si Albie bilang si Hadji, isang video editor at ka-live in ang dyowa niyang si Jun Mae na ginagampanan naman ni Myrtle na isang promodizer.
Tony naman is Kurt, a guy who is determined to make it big, until he realizes that there is a huge piece missing in his life.
Ang tanong, paano nila haharapin ang mga problema at pagsubok sa kanilang buhay? Can they still make a difference and change the world?
Kasama rin sa movie sina Kelvin Miranda, Kayla Heredia, Anjo Damiles at ang leading lady ni Alden Richards sa seryeng The Gift na si Thia Thomalla. Showing na ito sa mga sinehan nationwide sa Oct. 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.