Andre Yllana plano na ring pasukin ang mundo ng politika, iwas muna sa lovelife: 'Hindi ako naghahanap, if she comes, she comes' | Bandera

Andre Yllana plano na ring pasukin ang mundo ng politika, iwas muna sa lovelife: ‘Hindi ako naghahanap, if she comes, she comes’

Ervin Santiago |September 10,2023
facebook
share this

Andre Yllana plano na ring pasukin ang mundo ng politika, iwas muna sa lovelife: ‘Hindi ako naghahanap, if she comes, she comes’

Ervin Santiago - September 10, 2023 - 07:54 AM

Andre Yllana plano na ring pasukin ang mundo ng politika, iwas muna sa lovelife: 'Hindi ako naghahanap, if she comes, she comes'

Andre Yllana at Aiko Melendez

MAKALIPAS lamang ang apat na buwan ay nagdesisyon na ang showbiz royalty na si Andre Yllana at ang non-showbiz girlfriend nito na maghiwalay na.

Ayon sa anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana, medyo nagkaroon ng isyu sa pagitan nila ng ex-dyowa na may kaugnayan sa kanyang pagiging artista.

“Ang hirap to have a girlfriend who doesn’t understand your craft,” sey ni Andre sa panayam ng ABS-CBN na umamin ding nakatatlong non-showbiz girlfriend na siya.

Sa ngayon, mas gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang career at iwas muna sa pagpasok uli sa serious relationship.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andre Yllana (@andreyllana)


“Nililigawan ko ang trabaho ko. Wala talaga. Hindi ako naghahanap, sa totoo lang. If she comes, she comes.

“Okay lang ako talaga. We arrived at a mutual decision, although I was the first one who suggested that we called it quits. She couldn’t understand my work,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, naikuwento rin ni Andre sa presscon ng bago niyang project sa Viva Entertainment, ang “Safe Skies, Archer” na sequel sa matagumpay na Viva One digital series na “The Rain In España” ang tungkol sa pagiging “independent.”

Mula raw nang pumasok siya sa showbiz at magkaroon ng acting projects, hindi na siya humihingi ng pera sa kanyang magulang, lalo na kay Aiko.

Baka Bet Mo: Andre Yllana: Kung may nambu-bully sa atin, siguro inggit lang sila o may problema sila sa bahay

“Si mommy kasi she always gives. Nahihiya na ako. Gusto ko na sanang mgkaroon ng sariling bahay at sariling kotse.

“Binigyan ako ni daddy ng car, pero for racing. Then ang ginagamit kong car when I go out, kay mommy. Pinapahiram sa akin ‘yung car niya,” pagbabahagi ni Andre.

Nabanggit din ng binata ang plano niyang bumalik sa pag-aaral at kumuha ng Public Administration. Dito, inamin niyang may plano rin siyang pumasok sa public service.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andre Yllana (@andreyllana)


“Doon na rin papunta ang landas ko, so I might as well return to school to study formally.

“I went with mommy in her campaign, ang sarap ng feeling na nakakatulong ka sa mga tao. Ang laki kasi ng District 5 sa Quezon City. So kapag may hindi mapuntahan si mommy, tinutulungan ko na siya. Naghahati na kami,” pahayag ng binata.

Speaking of “Safe Skies, Archer”, matapos nga ang successful run ng 12-episode series na “The Rain in España” sa Viva One, mapapanood na ang sequel nito mula sa direksyon ni Gino Santos.

Bukod kay Andre, kasama pa rin dito ang rumours couple na sina Marco Gallo at Heaven Peralejo, Frost Sandoval, Nicole Omillo, Aubrey Caraan, Bea Binene, Gab Lagman at Krissha Viaje.

Ang mga nadagdag naman sa cast ay sina Hyacinth Callado, Jairus Aquino at Jerome Ponce.

Andre Yllana pangarap makasama sa teleserye at pelikula sina Aiko at Jomari: ‘Pero natatakot ako kasi…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya handa nang pasukin ang showbiz; tuloy ang pagtulong sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending