Rabiya handa nang pasukin ang showbiz; tuloy ang pagtulong sa madlang pipol
NGAYONG tapos na ang laban ni Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020, tututukan na niya ang mga susunod niyang plano para sa kanyang career.
Balak ng Filipina beauty queen na magpahinga muna nang ilang araw bago harapin ang mga bago niyang commitment at projects pag-uwi niya ng Pilipinas.
Sabi ng dalaga, napakarami niyang magagandang memories na babaunin sa pagbabalik niya sa bansa at hinding-hindi raw niya malilimutan ang suporta at pagmamahal ng sambayanang Filipino sa kanyang Miss Universe journey.
Partikular pa niyang binanggit sa panayam ng ABS-CBN ang nabuong pagkakaibigan sa pagitan nila ni Miss Universe 2nd runner up Janick Maceta del Castillo ng Peru.
“I remember during the preliminaries, we were praying together. We were lifting all of our worries to God.
“And sabi namin, whatever success we have, we’re giving it back to the Lord. Siya yung parang sister ko,” pahayag pa ni Rabiya na umabot nga sa Top 21 ng 2020 Miss Universe pageant.
Pagkatapos ng nasabing international pageant, binigyan ng send off at thanksgiving lunch si Rabiya ng isang Filipino restaurant sa Miami.
Dito mainit siyang sinalubong ng mga Pinoy fans na talagang proud na proud sa kanya kahit hindi nga siya ang nanalo. Ang kandidata ng Mexico na si Andrea Meza ang nag-uwi ng korona at titulo.
“I may fail to bring home the crown, but I still feel like a winner with the warm welcome of the Filipino community here in Miami.
“After nu’ng pageant, combination din ng emotions. Umpisa nung hindi ako tinawag sa Top 10, I felt sad. But seeing the girls who made it, deserving talaga ang lahat.
“And I guess, hanggang du’n lang talaga yung destiny ko. Pero it’s okay. Marami pa akong kailangang gawin at matulungan,” chika pa ni Rabiya sa nasabing panayam.
Sa tanong kung ano na ang plano niya pagkatapos ng kanyang journey sa Miss Universe, “Maybe I’m gonna take a short break from social media. And after that, I’m planning to go into showbusiness, acting probably.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.