Bea Binene sa pang-iintriga sa kanila ni Barbie Forteza: 'Wala po akong inggit na nararamdaman, proud na proud ako sa kanya' | Bandera

Bea Binene sa pang-iintriga sa kanila ni Barbie Forteza: ‘Wala po akong inggit na nararamdaman, proud na proud ako sa kanya’

Ervin Santiago |April 25,2023
facebook
share this

Bea Binene sa pang-iintriga sa kanila ni Barbie Forteza: ‘Wala po akong inggit na nararamdaman, proud na proud ako sa kanya’

Ervin Santiago - April 25, 2023 - 07:24 AM

Bea Binene sa pang-iintriga sa kanila ni Barbie Forteza: 'Wala po akong inggit na nararamdaman, proud na proud ako sa kanya'

Bea Binene at Barbie Forteza (Photo from Eat Bulaga Instagram)

“FAKE news” ang tsismis na inggit na inggit daw si Bea Binene kay Barbie Forteza dahil sa kasikatang tinatamasa nito ngayon dahil sa tagumpay ng Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra.”

Ipinagdiinan ng aktres at TV host na wala siyang nararamdamang kahit katiting na inggit sa kanyang kaibigan at dating kasamahan sa bakuran ng GMA 7.

Ayon kay Bea, masaya siya sa nangyayari sa showbiz career ni Barbie pati na rin sa ka-loveteam nitong si David Licauco na talagang biglang sumikat nang bonggang-bongga nang dahil sa karakter niyang Fidel sa “MCAI”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bea Binene (@beabinene)


“Sobrang proud ako sa Maria Clara (at Ibarra) saka sa kanila ni David,” pahayag ni Bea nang makatsikahan ng ilang members ng showbiz press sa mediacon ng upcoming Viva One romance-drama series na “The Rain In Espana”.

Ani Bea, solid pa rin ang friendship nila ni Barbie at may communication pa rin sila hanggang ngayon. Kaya naman nakiusap siya sa mga netizens na huwag na silang gawan ng intriga.

Baka Bet Mo: Bea Binene pumirna sa Viva, ready na nga bang magpa-sexy?

“Hindi lang po talaga kami nakakalabas ulit kasi nga, sobrang mga naging busy. Sobrang tagal na po naming mga hindi nagkita.

“Pero ‘yun, consistent kapag may birthday, maggi-greet, ‘yung magla-like, babati, magko-comment sa Instagram and Facebook stories.

“Ganu’n po talaga. Saka hindi lang si Barbie, pati ‘yung mommy niya, si Tita Amy,” lahad pa ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Noon pa naman ikinukumpara sa isa’t isa sina Bea at Barbie dahil magka-batch sila sa GMA. Nang magkasama sila noon sa Kapuso youth oriented series na “Tween Hearts” ay nagsimula rin ang isyu ng kumpetisyon sa kanila.

“Ako po, eversince, I didn’t look at it naman as something na competition. ‘Yun pong sa Tween Hearts, grupo naman kami doon, tapos after Tween Hearts, nagkaroon naman kami ng kanya-kanyang trabaho. Hindi po ako pinabayaan ng GMA.

“Kumbaga, ngayon kay Barbie, wala po akong nararamdaman na parang (inggit), wala po. I’m just really happy and I’m proud of her kasi ‘di ba, nagpapagawa na ng bahay si ate girl, ganyan, ‘di ba?

“Tapos sabi ko nga sa kanya, may picture siya ang ganda-ganda, ‘hugis-bigas’ sabi ko sa kanya. Sobrang proud ako sa kanya especially now with all the success of MCAI,” katwiran pa ng dalaga.

Nasa Viva Artists Agency (VAA) na ngayon si Bea at ang unang project nga niya sa Viva Entertainment  ay ang “The Rain in España” kasama sina Marco Gallo at Heaven Peralejo.

Ang “The Rain in España” ay ang series adaptation ng Wattpad University series na isinulat ni Gwy Saludes na mapapanood na sa Viva One streaming platform simula sa May 1. Ito’y mula sa direksyon ni Theodore Boborol.

Ka-join din dito sina Gab Lagman, Aubrey Caraan, Nicole Omilio Krissha Viaje, Andre Yllana, Frost Sandoval, Francis Magundayao at Gabby Padilla.

Joey de Leon sa mga bashers: Ano meron sila? Inggit!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending