Sachzna Laparan, Veybillyn Gorens nagkaayos na matapos ang bangayan sa socmed | Bandera

Sachzna Laparan, Veybillyn Gorens nagkaayos na matapos ang bangayan sa socmed

Therese Arceo |May 25,2023
facebook
share this

Sachzna Laparan, Veybillyn Gorens nagkaayos na matapos ang bangayan sa socmed

Therese Arceo - May 25, 2023 - 07:10 PM

Sachzna Laparan, Veybillyn Gorens nagkaayos na matapos ang bangayan sa socmed
MATAPOS ang naging bangayan nila online ay nagkaayos na ang dalawang social media personality at vlogger na sina Sachzna Laparan at Veybillyn Gorens.

Nitong Linggo, May 21, nag-post si Veybillyn sa kanyang Facebook page at binawi ang mga naunang akusasyon niya sa vlogger.

“Sana po wala na po pang babash ang mangyare, kay Jomar at kay Sachzna,” umpisa niya.

Pagpapatuloy niya, “Maayos na po napag usapan personal lahat, aminado kaming pare parehas kaming nagkamali.. maraming miss understandings sa lahat mas umiral samin parehas ang galit pero ang mahalaga ngayon napag usapan na sya ng maayos personal dahil mas mahalaga saamin ang pagkakaibigan.”

Saad pa ni Veybillyn, nagkapatawaran at nag-let go na raw sila nina Sachzna sa mga nagdaang isyu at sana raw ay pati ang publiko ay mag-move on na rin.

“Gusto ko na lang din mag pasalamat kay tita Christine Laparan Policarpio kasi mas pinili nyang maging pantay saamin at hindi naging bias kahit masasakit yung mga nangyare eh mas pinili nya po na maging maayos kaming lahat,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan nakipagsagutan sa partner ni Jomar Lovena: ‘Mahiya ka te, never kang pinagselosan’

Maging si Sachzna ay nag-post na rin sa kanyang Facebook page at sinabing nagkapatawaran na silang dalawa.

Nagbahagi rin siya ng larawan nilang dalawa kasama ang anak nina Veybillyn at Jomar.

“Di pa kami patay, nag away lang. Hehe ok na both sides pasensya na sa tatlong araw nyong walang tulog. Daming lesson learned lalo na sa sarili ko,” sabi ni Sachzna.

Dagdag pa niya, “Love you Veybillyn ako na lang tatay ni Sety. Charot.”

Si Veybillyn ay ang live-in partner ng dating ka-loveteam ni Sachzna na si Jomar Lovena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa ‘kin?

Sachzna Laparan happy na sa life ayon kay Ogie Diaz, naka-move on na kay Jerome Ponce?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending