Angeline umaming nagli-live in na sila ng non-showbiz dyowa; plano rin magpakasal sa tamang panahon | Bandera

Angeline umaming nagli-live in na sila ng non-showbiz dyowa; plano rin magpakasal sa tamang panahon

Ervin Santiago |March 09,2022
facebook
share this

Angeline umaming nagli-live in na sila ng non-showbiz dyowa; plano rin magpakasal sa tamang panahon

Ervin Santiago - March 09, 2022 - 08:01 AM

Angeline Quinto at ang tatay ng kanyang magiging anak

DIRETSAHAN nang inamin ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto na nagli-live in na sila ngayon ng kanyang non-showbiz partner.

Nagdesisyon si Angeline na magsama na sila ng kanyang boyfriend sa isang bahay mula nang malaman nilang magkakaroon na sila ng baby.

Ibinahagi ng biriterang singer ang tungkol dito sa latest vlog ng TV host-comedian na si Vice Ganda kung saan nabanggit nga niya na nagpapasalamat siya dahil kasama niya ang dyowa sa kanyang pregnancy journey. 

“Simula nu’ng bago mag-US tour tayo. Nu’ng nalaman namin na buntis ako, ‘yun yung napagsunduan na mag-stay siya,” sey ni Angeline.

Sa tanong ni Vice kung happy ba siya na kasama na niya ang kanyang boyfriend sa iisang bubong, “Oo naman, teh! Saka siyempre di ba, simula noong mawala si Mama Bob (nanay ni Angeline), talagang nalulungkot ako lagi. Malaking tulong sa akin na nandiyan siya.”

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Hindi rin niya itinanggi na may mga pagkakataon na nag-aaway sila ng tatay ng magiging anak niya dahil nga sa pabagu-bago ng kanyang mood dulot ng pagbubuntis niya.

“Mababaw kasi yung mga dahilan namin, lalo na nu’ng mga, dalawa, pangatlong buwan kong nagbubuntis.

“Halimbawa lumabas siya ng bahay, may binili lang sa drug store, hindi nagpaalam sa akin. Pagbaba ko du’n sa baba, wala siya.

“Hanggang sa dumating sa punto na, ‘Sige umuwi ka na lang sa inyo muna,’ may nga ganu’ng eksena,” natatawang chika pa ni Angeline.

Kaya naman todo ang pasasalamat ni si Angeline dahil sa pagiging responsable at pasensyoso ng kanyang boyfriend. Palagi lang daw siya nitong iniintindi kapag nagta-tuntrums siya.

“Alam ko naman sa sarili ko pag normal ako di ganyan, e. Tapos siya na lang yung nagsasabi na, ‘Alam ko kasi buntis ka.’ Lagi niya ako iniintindi,” ani Angeline.

Sey naman ni Vice, nag-a-adjust pa sila sa isa’t isa bilang live-in partners kaya napakahalaga talaga ng communication.

Samantala, may plano rin daw sila na magpakasal pagdating ng tamang panahon, “Siyempre naman, e, magkakaroon kami ng anak.

“Pero siguro ibibigay ko rin ang oras sa kanya. Baka sadyang mas handa ako kesa siya. Puwedeng ganu’n,” aniya pa.

Pero, paano kung hindi pa rin nagpo-propose ang kanyang partner makalipas ang ilang taon? “Baka tanungin ko siya. Ganoon kalakas loob ko ngayon, siguro kasi ang iniisip ko ngayon yung bata, hindi na sa sarili ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag hindi siya nag-propose at naubos yung limit sa sarili ko na panahon, tatanungin ko na siya nang diretso,” sabi pa ni Angeline.

Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Angeline nahawa ng COVID sa taong nakasabay sa pagkain: Siguro napabayaan ko rin ang sarili ko…

Erik Santos nakipagkulitan kay Angeline Quinto: Narinig ko sabi niya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending